Andi Eigenmann replies to netizen accusing her of being a snob

IMAGE Instagram (@andieigengirl)

Andi Eigenmann to netizen who called her a snob: "Please respect and be mindful of the fact that I'm human too, just like you are, with emotions, others may not understand for the reason I said prior. It's all about respect."


Tinawag na "snob" ng isang netizen si Andi Eigenmann nang hindi raw pumayag ang aktres sa hiling niyang magpa-picture sa ginanap na 64th FAMAS Awards noong Linggo, December 4.

Hinirang na Best Actress si Andi dahil sa kanyang pagganap sa pelikulang Angela Markado.

Ginanap ang 64th FAMAS Awards sa Century Park Hotel sa Manila.

Nag-post si Andi sa Instagram tungkol sa kanyang pagkapanalo nitong Martes, December 7.

Isang netizen ang nagkomento at sinabi nitong inisnab siya ng aktres.

Ayon sa netizen, nilapitan niya ang aktres sa event subalit tumanggi si Andi na pagbigyan ang hiling niyang magpalitrato.

“Snobbed sya kagabi sa FAMAS. [sad emoticon] We approach her to take a picture with her but she refused. Li’l bit disappointed with her.”


Sinagot naman ito ni Andi.

Ayon sa aktres, hindi na niya iniintindi ang mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya, subalit kinailangan niyang sagutin ang nasabing komento.

"iamchariz18 I don’t normally care abt what others think of me, but w all due respect Ma’am, it was probably either the event was on going and it was only respectful to pay attention to the people on stage, or I was rushing to leave for an early morning call time the next day, as we work everyday.”

Pakiusap pa ni Andi, huwag siyang husgahan dahil sa nangyari.

“I don’t exist to please everybody, but let’s not assume lest we know the story.

“Please respect and be mindful of the fact that I’m human too, just like you are, with emotions, others may not understand for the reason I said prior.

“It’s all about respect.

“Don’t be judgmental because remember that what you say abt others say more abt yourself than of them.”


Ipinaliwanag din ni Andi na maraming tao sa event at may mga pinagbigyan naman siyang gustong magpa-picture kasama siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As you saw, you weren’t the only one present at the event and I was [able] to take photos w many others, so no need to make negative comments just because you caught me at another moment.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN