Steve Harvey on hosting Miss Universe again: "Hell, yeah, I'm going back!"

IMAGE Facebook (Steve Harvey TV)

American TV host Steve Harvey was quick to say he was ready to host Miss Universe again, despite his controversial stint last year.


Tiniyak ng American host na si Steve Harvey na siya pa rin ang maghu-host ng Miss Universe 2016, na gaganapin sa Pilipinas sa January 30, 2017.

Sa episode ng The Tonight Show Starring Jimmy Fallon noong Lunes, December 5, sinabi ni Steve na handang-handa siyang maging host muli ng pinakakilalang international beauty pageant.

Sinabi nito tungkol sa pageant, “So the new one is in the Philippines this year.

“They’re actually doing Miss Universe in the Philippines this year,” banggit niya.

Nang tanungin ni Jimmy kung babalik siya bilang host, mabilis na sagot ni Steve: “Hell, yeah, I’m going back!”

Makakasama ni Steve bilang host si Miss Universe 2nd runner-up Olivia Jordan at ang Pinay model-TV host na si Joey Mead.

Muli ring inalala ni Steve ang hindi kanais-nais na karanasan niya noong Miss Universe 2015, na ginanap sa Las Vegas, USA, isang taon na ang nakalilipas.

“It was the most gut-wrenching walk I’ve ever had in my life,” sabi niya.

Ikinuwento muli ni Steve ang pagharap sa audience matapos niyang ianunsiyo ang maling winner ng pageant.

Si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang inanunsiyo niyang Miss Universe 2015 at si Pia Wurtzbach ng Pilipinas ang 1st runner-up.

Makalipas ang ilang minuto, muling bumalik sa entablado si Harvey upang linawin na nagkaroon ng pagkakamali at ang tunay na nanalong Miss Universe 2015 ay si Pia.

Kuwento ni Harvey, mayroon siyang pagkakataon noon na huwag nang bumalik sa stage at hayaan na lamang ang Miss Universe Organization na magpaliwanag, subalit bumalik siya sa stage at inamin ang kanyang pagkakamali.

“I wouldn’t have walked out there, but I was brought up that way: face whatever it is.

"So I went out there and dealt with it and I tried to straighten it out," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN