Ai-Ai delas Alas lauds President Duterte's P2 billion Christmas gift to Filipinos

IMAGE Noel Orsal / PCCO on Facebook

Suportado ni Ai-Ai delas Alas si President Rodrigo Duterte sa ilang programa nito, katulad ng pinaigting na kampanya laban sa droga. Wala namang sinabi si Ai-Ai tungkol sa libo-libong napapatay ng mga pulis at vigilante na napapailalim sa extra judicial killings (EJK).


Ikinatuwa ng maraming followers ni Ai-Ai delas Alas ang kanyang post sa Instagram kahapon, December 7.

Ang naturang post ng Queen of Comedy ay tungkol sa Pamaskong regalo ni Pangulong Rodrigo Duterte: Dalawang bilyong pisong pondo para sa libreng gamot para sa lahat ng mga Pilipino.

Kukunin ang halagang ito mula sa pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at ibibigay sa Department of Health.

Sabi ng Sunday Pinasaya star, “Magandang balita sa pasko... maraming salamat po...

“Isasama ko kayo sa aking dalangin na kayo ay protektahan upang maging mapayapa na ang Pilipinas...

“At maipagpatuloy ninyo ang inyong magagandang adhikain para sa mga Pilipino #merrychristmasmgakabayan #maligayangpaskopinoy #magandangbalita2016

Sa comment section, sinagot ni Ai-Ai ang ilang nagtatanong kung paano makaka-avail sa libreng gamot na ito ng administrasyon.

Si Ai-Ai ay sumuporta kay dating Vice President Jejomar Binay nang tumakbo ito sa pagka-pangulo noong May 2016 elections.

Pero pinupuri niya ang mga magagandang nagawa ni Pangulong Duterte, katulad ng kampanya nito laban sa droga.

Read: Ai-Ai delas Alas approves of Duterte's anti-drug campaign


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN