Mark Bautista meets CNN's Anderson Cooper in New York

IMAGE @iammarkbautista on Instagram

Isa sa hindi malilimutang karanasan ni Mark Bautista sa pamamalagi niya sa New York ay ang pagkikita nila ng CNN anchor na si Anderson Cooper. Iginagalang at nirerespeto raw niya ang isa sa pinakakilalang TV personality sa mundo.


Kasalukuyang nasa New York ang singer na si Mark Bautista para sa kanyang pag-aaral ng paggawa ng music videos sa New York Film Academy.

Ito ay habang wala pa siyang mga proyekto sa Pilipinas matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa GMA Network.

Read: Mark Bautista explores other options after contract with GMA Network expired

Sa halos dalawang buwang pamamalagi ni Mark sa Amerika, isa sa di niya malilimutang karanasan ay ang pagkikita nila ng sikat na CNN anchor na si Anderson Cooper.

Naganap ito noong Martes, December 6, sa CNN’s Time Warner Center, sa Manhattan.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Mark ang kanyang tour pass sa pinakasikat na cable news channel sa buong mundo.

Nakalagay sa caption: “Never been this nervous #Anderson360.”

???? never been this nervous #Anderson360

A photo posted by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

Sa kasunod na post ni Mark, sinabi niyang mataas ang kanyang respeto kay Anderson at nagpasalamat siya sa mga payo nito sa kanya.

“I have so much love and respect for this amazing man-Talk about wisdom..Thank you for all the advise and encouragement. #AndersonCooper #Nohate #LoveisLoveisLove #Goals.”

ANDERSON IN TACLOBAN. Si Anderson ay mas lalong nakilala sa Pilipinas noong kasagsagan ng rescue and retrieval operations sa Tacloban dahil sa pananalasa ng super typhoon Yolanda taong 2013.

Naging mainit din ang kanyang pangalan dahil sa patutsada noon ng ABS-CBN anchor na si Korina Sanchez dahil sa tweets ni Anderson tungkol sa mabagal na pag-ayuda ng gobyerno sa mga nasalanta ng bagyo.

Ang mister ni Korina na si Mar Roxas, dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary, ang namuno sa pagtulong sa Yolanda victims.

Dahil dito, nabatikos ang Rated K host.

Read: ABS-CBN anchor Korina Sanchez gets flak from netizens for slamming CNN news anchor Anderson Cooper

Sinagot naman siya ni Anderson at sinabihang dapat daw ay pumunta si Korina sa Tacloban upang makita niya ang kalunus-lunos na sinapit ng mga tao roon dahil sa bagyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Anderson Cooper urges Korina Sanchez to visit Tacloban

Makalipas ang ilang araw, lumabas ang balitang nasuspinde diumano si Korina sa kanyang show na Rated Korina sa DZMM at sa TV Patrol ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN