Ex-couple Rhian Ramos and KC Montero bump into each other at a party

IMAGE Instagram photo of Rhian Ramos

It looks like Rhian Ramos and KC Montero have maintained their friendship after their "happy breakup" three years ago. The ex-couple met a Christmas party of a sports channel recently.


Maraming fans ang natuwa nang muling makitang magkasama ang ex-couple na sina Rhian Ramos at KC Montero sa isang party.

Sa pamamagitan ng Instagram post, ibinahagi ni Rhian sa kanyang followers ang pagkikita nila ni KC sa Christmas party ng isang sports channel kamakailan.

Caption pa ng Kapuso actress dito: “Parang I know this guy! papicture muna kay idol sa #FoxSportsChristmas party.”

May mga nagkomento na natutuwa silang nananatiling magkaibigan ang dating magkasintahan, tatlong taon matapos ang kanilang “happy breakup.”



Mayroon ding umaasang muling maibalik ang dati nilang relasyon.


At may nag-aalala na baka may magselos sa muling pagkikita nina Rhian at KC.


Si Rhian ay kasalukuyang may boyfriend, si car racer Jason Choachuy.

Si KC naman ay huling napabalitang may relasyon kay Filipino-Australian Stephanie Dods.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN