VP Leni Robredo on Mocha Uson: "I have not read her blog and I don't intend to read it."

IMAGE Reielle Deslate

VP Leni Robredo on Internet trolls: "Tingin ko, kailangan mo lang ng trolls kung kailangan mong humanap ng kakampi. But because marami namang like-minded and pareho natin ng pakiramdam sa mga bagay, tingin ko hindi natin kailangan sumama sa bandwagon."


Walang balak si Vice President Leni Robredo basahin ang blog ng sexy dancer-singer na si Mocha Uson.

Si Mocha ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at madalas niyang binabanatan si Robredo—na mas madalas tawaging VP Leni—sa kanyang Facebook blog.

Ang isa sa pinakabagong patutsada ni Mocha laban kay Robredo ay ang hiling nitong mag-resign na rin ang huli bilang Pangalawang Pangulo, kasunod ng pagbibitiw nito bilang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) secretary.

Read: Mocha Uson agitates for resignation of Leni Robredo from the vice presidency

Tinanong si Robredo kung ano ang reaksiyon niya rito nang humarap siya sa editors at reporters ng Philippine Daily Inquirer ngayong Huwebes, December 8.

Tugon ng Bise Presidente: "I would have to admit that I have not read her blog and I don’t intend to read it."

Hindi raw nababahala si Robredo sa mga maling akusasyon laban sa kanya ni Mocha, na mayroon nang mahigit 4.5 million followers sa Facebook.

Hindi na rin daw niya kailangan ng sariling hukbo ng trolls upang ipagtanggol siya sa social media.

"I don’t think we need to hire trolls because the issues they are creating are self-inflicted anyway."

Dagdag pa ni Robredo, na may sarili ring Facebook page, "Tingin ko, kailangan mo lang ng trolls kung kailangan mong humanap ng kakampi.

"But because marami namang like-minded and pareho natin ng pakiramdam sa mga bagay, tingin ko hindi natin kailangan sumama sa bandwagon."

Nasa 1.1 million na ang followers ng Facebook page ni Vice President Robredo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN