Andrea Torres denies friction with Marian Rivera

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres on alleged issue with Marian Rivera: "Okey ako sa kanya. Okey rin naman siya sa akin. Nagkaka-text kami minsan and, I'm sure, wala. Super happy sila, busy rin siya ngayon sa baby. At saka, parang napakaimposible niyang mangyari, kasi ang taas ng respect ko kay Ate Yan."


Nilinaw ni Andrea Torres ang lumabas na balitang kinausap diumano siya ni Marian Rivera kaugnay ng pagiging leading lady niya ni Dingdong Dantes sa Kapuso primetime series na Alyas Robin Hood.

Ayon kay Andrea, totoong dumalaw sa taping nila si Marian ngunit wala raw siya noon kaya hindi sila nagkausap.

“Dumalaw nga siya, pero late call ako kaya hindi kami nagkita.

“Noong dumating ako, wala na, umuwi na sila, kasi kasama nila ang baby. Kasi mga late na yata yun.

“Hindi po kami nagkita sa set.

“Pagdating ko lang, nabalitaan ko lang sa staff.

“Na yung baby nga raw, ang talino, ganyan.”

Ang tinutukoy ni Andrea na "baby" ay ang anak nina Marian at Dingdong na si Zia.

Nilinaw ni Andrea na walang isyu sa kanila ni Marian dahil sa pagiging leading lady niya sa mister ng Kapuso Primetime Queen.

Saad niya, “Ako po, wala akong ano kay Ate.

“Okey ako sa kanya. Okey rin naman siya sa akin.

“Nagkaka-text kami minsan and, I’m sure, wala.

“Super happy sila, busy rin siya ngayon sa baby.

“At saka, parang napakaimposible niyang mangyari, kasi ang taas ng respect ko kay Ate Yan.

“Kahit yung sa FHM, di ba, nagsabi pa siya sa mga fans na, ‘Ay, huwag na lang ako, si Andrea na lang.’

“So, sobrang imposible talaga na magka-friction between us at pareho pa kami ng manager.”

Sina Andrea at Marian ay parehong nasa pangangalaga ng Triple A Management ni Mr. Tony Tuviera.

Nagkakakuwentuhan ba sila ni Marian, lalo na’t isa siya sa leading lady ni Dingdong sa Alyas Robin Hood?

Ayon kay Andrea, “Bago pa mag-start ang show, binalitaan ko siya na ito nga ang role ko.

“At saka, every once in a while, nagpapadala ako ng food sa kanya through Kuya Dong.

“Nilalagay ko dun, ‘To Ate Yan and Kuya Dong.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga usal kong pinapadala sa kanya, polvoron, bread pudding na ginagawa ko.

“Tapos, pinipiktyuran ko at tini-text ko sa kanya na may padala ako sa kanya.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa taping ng Alyas Robin Hood kamakailan.

WORKING WITH DINGDONG. Kinumusta rin namin kay Andrea ang pakikipagtrabaho nila ni Dingdong.

Aniya, “Sobra akong natuwa kay Kuya Dong kasi, at least, start pa lang, walang agad ilang.

“Hindi niya pinapa-feel sa ‘yo na nandun siya sa taas, na hindi approachable.

“Actually, ano siya, makuwento siyang tao.

“Tapos sa eksena, palagi naman silang naglolokohan ni Direk [Dominic Zapata], palagi kaming may group na usapan.

“So, nawawala ang kaba. Lalo na sa mga eksena ko, siyempre kakabahan ako sa kanya.

“Nakakahiya, di ba, lalo na yung mga ginagawa ni Venus na kailangan i-flirt niya si Pepe.

“Kapag hindi kayo close o hindi kayo nakakapag-usap, parang ang hirap gawin.”

Dagdag pa ni Andrea, “Saka kasi dati ko pa naman siyang parang kuya-kuyahan.”

Dalawa sila ni Megan Young na leading ladies ni Dingdong sa teleserye, hindi ba siya napaisip kung bakit siya lang ang naiisyu?

Sabi ni Andrea, “Feeling ko, nagkamali-mali lang.

“Hindi ba, ganun yun, kapag napapasa ang kuwento? Nababawasan o nadaragdagan nang konti.

“Feeling ko, nagkamali lang ng pagsabi.

“Tapos, yung mga eksena pa, flirty kasi ang role ni Venus.”

BASHERS. Inamin ni Andrea na may nangba-bash din sa kanya dahil sa karakter niya sa Alyas Robin Hood, kunsaan may gusto siya kay Dingdong bilang Pepe.

Aniya, “Hindi naman masyado, pero siguro naapektuhan lang sila sa story na naaano nila in real life.”

Sinasabihan daw siya ng bashers na huwag siyang malandi o huwag niyang landiin si Dingdong.

Nasasaktan ba siya kapag nababasa niya ang mga ganitong klaseng komento?

Tugon ni Andrea, “Oo, siyempre. Pero siyempre, hindi ka naman makapag-explain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, kapag nag-explain ka, sasabihin pumapatol ka pa, nega pa.

“So, hindi mo rin ma-explain na ano lang yun, story lang yun.

“Siyempre kailangan mong gawin nang maayos ang work mo.

“Kung hindi, sasabihin lang nila na, ‘Nandito si Andrea, hindi naman ginagawa nang maayos ang work niya.’”

Napag-uusapan ba nila ni Dingdong ang tungkol sa pangba-bash sa kanya?

“Ay, hindi naman po, hindi naman ganun ka-affected na kailangang pag-usapan.”

Dahil ba sa mga batikos na ito sa kanya ay nalilimitahan ang puwede niya pang ipakita, lalo na sa mga eksena nila ni Dingdong?

Sagot ni Andrea, “Opo siyempre, kasi ayoko rin naman nang sobra.

“Siyempre, in real life, merong asawa si Kuya Dong.

“Ano rin ako, hindi naman sobra.

“Kung ano lang ang safe na kaya sa istorya at saka kung ano lang ang sinabi ni Direk.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN