Ai-Ai delas Alas plans to make herself happy in 2017; reveals target wedding date with Gerald Sibayan

IMAGE Gorgy Rula

Ai-Ai delas Alas on spending more time on herself in 2017: "This time, more on myself. Gusto ko naman namnamin ang sarili ko. Dun ko na-realize na, 'Oo nga, 'no?' Nakalimutan ko pala ang sarili ko. Nag-focus ako masyado sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga tinutulungan ko."


Pawang pasasalamat daw ang dasal ni Ai-Ai delas Alas sa lahat ng blessings na natamo niya ngayong 2016.

“Maganda ang buhay ko ngayong 2016,” pakli ng Comedy Queen nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pictorial ng bagong endorsement niyang Natural Blend coffee, kasama ang bagong discovery niyang si Jelai Espino.

Pero sa pagpasok ng taong 2017, ibubuhos na raw ni Ai-Ai ang kanyang panahon sa sarili.

“Di ba, parati work na lang ako nang work?

“All my life, ang parati iniisip ko, ang family ko, mga anak ko, paano sila, mga ganyan,” pahayag niya.

“Me-time” na raw ang 2017 ni Ai-Ai dahil nakikita niyang kaya na ng kanyang mga anak at wala na siyang dapat ipag-aalala.

“Ngayon ko lang na-realize, kasi ang gusto ko sana, pauwiin ko ang dalawa kong anak [Sean Nicolo at Sofia].

“Sabi nila, ‘Mommy, hindi, sanay na kami dito sa America.’

“So, ngayon ko lang na-realize na, oo, settled na pala silang lahat, ako na lang ang hindi.”

FACTS OF LIFE. Tanggap naman daw ni Ai-Ai na iyon ang katotohanan ng buhay.

Darating daw ang araw na magkakaroon ng sariling buhay ang mga anak niya, na hindi na aasa sa kanya.

“Masaya naman na malungkot din,” sagot ni Ai-Ai nang tanungin namin kung ano ang nararamdaman niya sa pagbabagong ito.

“Masaya ako dahil alam ko na, anytime mawala ako, kaya nila.

“Malungkot kasi ay malalaki na sila, wala na pala akong baby.

“Dun ko lang na-realize nang sinabi ng mga bata na, ‘Mommy, dito na lang kami.’

“‘Ay! Iba na pala! Ganun na pala talaga.’

“Dati kasi na-hurt-hurt pa ako, e, na parang, ‘Bakit parang di niyo na ako kailangan, e, lahat ng ito ginagawa ko para sa inyo?’

“Ngayon ko lang na… ‘Ay, oo nga, ang tatanda na pala nila.’”

AI-AI’S 2017. Kaya haharapin daw niya ang taong 2017 na nakalaan na para sa kanyang sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This time, more on myself. Gusto ko naman namnamin ang sarili ko.

“Dun ko na-realize na, ‘Oo nga, ‘no?’

“Nakalimutan ko pala ang sarili ko.

“Nag-focus ako masyado sa mga anak ko, sa pamilya ko, sa mga tinutulungan ko.

“Nakalimutan ko yung sarili ko pala,” saad ni Ai-Ai.

Isa raw sa plano niya sa taong 2017 ay magbiyahe, kasama ang partner niyang si Gerald Sibayan siyempre.

Ayon kay Ai-Ai, “Actually, nasimulan ko na. Magta-travel ako.

“Kasi, sa totoo lang, lahat ng travel ko... siyempre yung iba with my family. Pero karamihan, trabaho.

“Kasi minsan... kunwari London, magsu-show ako ngayon, tapos bukas alis na agad.

“Wala man lang akong nakita. Ano ba ‘yan!

“Dyusko! Hindi man lang ako nagpa-picture sa ganyan. Hindi ko nanamnam yung kapaligiran.”

Kuwento pa niya, “Tuwang-tuwa nga ako sa Baguio, e.

“Biro mo, Baguio lang yun?

“Biro mo nakita ko yung beauty ng Baguio... parang ang ganda pala ng Baguio.

“E, Baguio lang yun, ha! What more kung yung ibang bansang napuntahan ko na?”

Bukod sa ibang bansa, gusto rin daw maikot ni Ai-Ai ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na hindi pa niya nalibot nung nag-concert siya sa mga lalawigang iyon.

NOT IN 2017. Pagdating sa pagpapakasal nila ni Gerald, hindi pa raw mangyayari iyon sa 2017.

Sabi ni Ai-Ai, “Hindi pa, matagal pa, e.

“Dapat 2017, pero sabi ko, hindi pa ako ready.

“Ako pa talaga ang hindi ready, di ba? So, baka 2018.”

Si Ai-Ai ay 52 years old na, habang si Gerald ay 23 pa lamang.

Ayon pa sa Sunday Pinasaya star, “Hindi naman sa edad yun.

“Di ba, kasi-single ko lang? Gusto ko naman yung buhay ko as single.

“Pero may boyfriend ako, ang ibig kong sabihin as asawa, dahil iba pa rin siyempre ang may asawa.

“Iba pa rin ang tatahakin mong buhay kapag may asawa ka na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit papa’no masarap ang feeling, ‘Ay, single ako!’ Walang pressure.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN