Director Mike Tuviera answers netizen asking about Maine Mendoza's 'slow-paced career'

IMAGE Instagram account of Maine Mendoza (@mainedcm)

Direk Mike Tuviera answered a netizen on Twitter who said that Maine Mendoza's career is still in the pipeline. He answered, "Aside from the soap & Eat Bulaga, both daily shows, what else would you have her do? Bawal bang matulog si Maine? Makita family niya? Kalma."


Mabagal nga ba ang takbo ng showbiz career ni Maine Mendoza?

Noong December 8, isang netizen na may handle name na @DelLerit ang nag-tweet sa direktor na si Mike Tuviera dahil mukhang naiinip ang nasabing fan sa pag-usad ng career ni Maine.

Si Direk Mike ang direktor ng pelikulang pinagbidahan nina Maine at Alden Richards, ang Imagine You and Me, na ipinalabas noong July 2016.

Anak din siya ni Mr. Tony Tuviera ng Triple A Management, na siyang namamahala sa career ng Eat Bulaga! mainstay.

Tanong ng netizen kay Direk Mike: “Are you really after the advancement of Maine’s career? Is it possible for her to work with ABS[-CBN] talents?”

Sinagot naman ito ni Direk Mike kahapon, December 9, at sinabing: “Aside from the soap & Eat Bulaga, both daily shows, what else would you have her do? Bawal bang matulog si Maine? Makita family niya? Kalma.”

Nang malamang sinagot siya ni Direk Mike, nag-tweet naman ang netizen at sinabing sa pagkakaalam daw niya, Eat Bulaga! at mga endorsement lang ang pinagkakaabalahan ni Maine sa ngayon.

Tweet ni @DelLerit: “It was a QUESTION that deserves an ANSWER. No rationalization needed. Teka, as far as we know, EB plus endorsements lang si Meng. Right?”

Nagpasalamat naman si Direk Mike sa ibang fans ni Maine na nagpahayag ng kanilang tuwa sa tuwing napapanood si Maine sa telebisyon.

Samantala, mukhang matutuloy na ang teleserye nina Alden at Maine at unang masisilayan ito sa Christmas special ng GMA Network.

Ayon sa post ng isang netizen, ito ay may titulong Destined To Be Yours.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN