Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Baron Geisler admits to drinking again, but clarifies he's not doing drugs

by Bernie V. Franco
Dec 11, 2016
In his interview with Korina Sanchez for the December 11 episode of Rated K, Baron Geisler confessed that he's back to drinking, but clarifies that it's not as intense as before. He also hopes to bury the hatchet with Ping Medina in the spirit of Christmas.

Inamin ni Baron Geisler na bumalik siya sa pag-inom ng alak, pero aniya, hindi ito kasing tindi ng dati na kailangan pa niyang magpa-rehab para lang tuluyang matigil ang kanyang bisyo.

Nagsalita si Baron sa interview ni Korina Sanchez sa episode ng Rated K nitong Linggo ng gabi, December 11.

“Yes, Ma'am, I could say na I drink. Hindi naman po intense katulad po before,” pagkumpirma ni Baron.

Pinag-usapan din sa nasabing interview ang isyung kinasangkutan ni Baron, ni Ping Medina, at ng direktor nilang si Arlyn dela Cruz para sa indie film na Bubog.

Nasangkot sa kontrobersya ang tatlo nang ihian ni Baron si Ping sa isang eksena.

Sinabi ni Baron na ipinagpaalam niya sa direktor na “may gagawin” siya sa eksena at pinayagan umano siya ng direktor.

Itinanggi naman ni Direk Arlyn na ito ang ipinagpaalam ni Baron at sinabi niyang ang ipinagpaalam ng aktor ay sasampalin niya nang malakas si Ping.

Continue reading below ↓

Ikinagalit naman ni Ping ang pag-ihi sa kanya ni Baron na bukod sa wala sa eksena ay hindi niya umano ito ipinagpaalam nang maayos sa direktor.

READ: Baron Geisler earns ire of Ping Medina over unscripted urination scene

Samantala, nilinaw ni Baron na hindi siya high sa droga.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“I'm in character. That's how passionate I am when it comes to my work.

“Me being high? No, I do not take drugs. Anytime na ipa-drug test niyo ko, I am 100 percent sure na clean."

Pero pag-amin niya, “Pero mali pa rin ako dahil uminom pa rin ako sa set.

"Tanggap ko 'yon, so I'm really sorry. Yun ang pagkakamali ko.”

Nabigyan ng sanction si Baron ng Professional Artist Managers Inc. (PAMI) at pinagbawalan ang mga artista ng mga managers na kabilang sa organisasyon na makatrabaho ang kontrobersiyal na aktor sa telebisyon man o pelikula.

Read: http://www.pep.ph/news/65471/pami-to-inhibit-their-artists-from-working-with-baron-geisler

Pero umaasa si Baron na sa diwa ng Pasko ay mapatawad siya, lalo na si Ping, dahil sa kanyang nagawa.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In his interview with Korina Sanchez for the December 11 episode of Rated K, Baron Geisler confessed that he's back to drinking, but clarifies that it's not as intense as before. He also hopes to bury the hatchet with Ping Medina in the spirit of Christmas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results