Mayor Lani Mercado on Jodi Sta. Maria: "Bahagi na siya ng pamilya."

IMAGE Julie Bonifacio / Jolo Revilla Instagram

Lani Mercado on possibility of son Jolo Revilla marrying actress Jodi Sta. Maria: "I think, naghahanda-handa na ba? Siya na lang ang tanugin mo. Tanong yun, ha. Naghahanda na ba? Hindi ko sinabing naghahanda na, ha!"


Ayaw kumpirmahin ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla ang balitang nagkabalikan na ang anak niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Ngunit malinaw sa kanyang mga salita na bahagi na ng kanilang pamilya si Jodi.

Pahayag lang ng actress-politician, “Alam mo, maligaya ako kung saan maligaya ang anak ko, oo.

“Kung saan siya inspirado, kung saan siya humuhugot ng lakas at inspirasyon, wala namang problema sa amin.”

Boto ba siya kay Jodi para kay Jolo?

“Wala namang problema,” mabilis na tugon ni Lani. “Basta kung saan maligaya ang mga anak ko.”

Nagkita na ba sila ulit ni Jodi?

“Oo naman!” natatawang sagot niya. “Tama na. Hanggang doon na lang.

“Oh, well, nagkikita kami. She’s present at the important occasion of the family.

"Ano na, bahagi na siya ng pamilya."

Dagdag ng alkalde ng Bacoor, “Basta lahat naman ng mga ini-introduce na girlfriend ng mga anak kong lalaki, e, siyempre bahagi na sila ng pamilya namin.

“At saka, kung paano ang pagmamahal ng anak ko, ganoon din ang pagmamahal namin sa kanila.”

SETTLING DOWN. Handa na ba siya sakaling magdesisyon si Jolo na pakasalan si Jodi?

Tugon ni Lani, “I think, naghahanda-handa na ba? Siya na lang ang tanugin mo.

“Tanong yun, ha. Naghahanda na ba? Hindi ko sinabing naghahanda na, ha!

“Hindi… kasi may isang… yung anak ni Sen. Bong, si Luigi Revilla is getting married on December 17. So, siya muna yata.”

Si Luigi ay anak ng mister ni Lani na si Bong Revilla sa dati nitong nakarelasyon na nagngangalang Lovely Guzman.

Read: Luigi Revilla, son of Sen. Bong Revilla, enters showbiz

Patuloy ni Lani, “We were really banking on the decision of the Supreme Court.

“Actually, a few weeks ago, bago mag-Supreme Court ruling, sinabi ko na kay Senator Bong, ‘Aren’t you applying for a pass para maka-attend ka sa kasal ni Luigi?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He was confident na ia-allow siya ng Supreme Court. Kaya lang, hindi, e.

“So... pero all of my children will be there.”

Ang tinutukoy ni Lani ay ang pagbabasura ng Supreme Court na i-dismiss ang plunder case laban kay Bong, na naka-detain pa rin ngayon sa PNP Custodial Center.

Hindi ba sila puwedeng makiusap kay President Rodrigo Duterte na lumabas muna si Bong habang dinidinig ang kaso nito?

Ayon kay Lani, “Yung bail niya ang napag-usapan muna namin by this week, kung ipagpapatuloy po namin sa Supreme Court or we’re just waiting.

“Kasi, there are two Supreme Court justices who will… anong tawag dito?

“Hindi mag-a-abstain, e. Papalitan na, magpapahinga na sila.

“Ga-graduate na sila, sina Justice [Arturo] Brion, [Lucas] Bersamin, and [Jose] Perez, I think.”

ON HER SHOWBIZ CAREER. Kailan naman kaya ulit magbabalik sa pag-arte si Lani?

Saad niya, “Nami-miss ko ang showbiz, oo.

“Siguro mga… mahirap mag-teleserye kapag mayor.

“Siguro pa-guest… siguro special guesting lang.

“Mga pa-one night or two nights lang na taping. One episode lang.”

Payag ba siyang gumawa ng indie film?

“Alam ko may nag-offer pero one-day shoot lang. So, parang special appearance.

“Pero hindi, ayaw ni Nay Lolit [Solis, her manager] pa.

“Wala namang problema as long as ang panahon ko bilang mayor, hindi masyadong maaapektuhan.

“Kasi iba po kasi talaga ang pagiging alkalde. 24/7 po talaga kami.

“Mas matrabaho po ang mayor kaysa congresswoman.

“Matrabaho rin po ang pagiging kongresista, pero mas direct po kasi sa tao ang trabaho ng pagiging mayor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN