Inah de Belen to play Santa for her parents, siblings this Christmas

IMAGE Noel Orsal

Inah de Belen has big plans for her family this Christmas now that she can afford to give the gifts they want. And for her parents John Estrada and Janice de Belen, it will be a a labor of love. She shares, "My mom kasi she's always busy in the kitchen tuwing Pasko… for a change I will do the cooking kasama ng mga kapatid ko. Kay Daddy naman, ipagluluto ko siya ng favorite niyang pasta."


Magiging iba para sa pamilya ng Kapuso actress na si Inah de Belen ang Pasko ngayong taon.

Ito kasi ang first Christmas na hindi na nila kasama ang kanyang maternal grandmother na si Mrs. Susan Yap-de Belen.

Sumakabilang-buhay si Mommy Susan noong March sanhi ng organ failure.

Pagbabahagi ni Inah, “We were very close kay Lola, at tuwing Pasko, nasa bahay namin ‘yan.

“Kaya it will feel sad kasi nakasanayan na namin si Lola na nasa bahay tuwing Pasko.

“We will definitely miss her, lalo na ang mga niluluto niya para sa amin at ang mga gifts na ibinibigay niya.

“But most of all, yung warm love na parating meron siya for all of us.

“I will miss you, Lola Susan!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Inah sa presscon ng Metro Manila Film Festival official entry na Die Beautiful last week.

GIFT-GIVING. Ngayong Pasko ay si Inah na raw ang magreregalo dahil kumikita na siya.

Ang pinakaregalo raw ni Inah sa kanyang parents na sina Janice de Belen at John Estrada ay ipagluluto niya ang mga ito.

Nakangiting pagbabahagi niya, “My mom kasi, she’s always busy in the kitchen tuwing Pasko.

“So I just want her to rest for a change, and I will do the cooking kasama ng mga kapatid ko.

“Kay Daddy naman, since he loves to eat, ipagluluto ko na lang siya ng favorite niyang pasta.

“I want them both to be relaxed and not worry about us on Christmas kasi malalaki na kami and it’s our turn to take care of them.”

May naisip na rin raw siyang ireregalo sa kanyang mga kapatid.

“For Moira, mahilig siya sa K-Pop and her favorite now is Exo, so anything related sa Exo ay ibibigay ko sa kanya.

“Si Kyla naman, she loves makeup kaya kahit alam kong libre na ang mga makeup niya, reregaluhan ko pa rin siya ng makeup.

“Si Yuan naman, he’s into video games, so I will gift him with a PS4. Maglaro siya hanggang sa magsawa siya.

“Kay Anechka naman, she loves mga Disney princesses, siguro mga damit ng mga Disney princesses ang ibibigay ko sa kanya.

“To Kuya Igi naman, since he’s a chef, isang bagong chef’s hat ang ireregalo ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Moira, Kyla, at Yuan ay mga buong kapatid ni Inah; habang si Anechka ay kapatid niya sa ama at si Igi ay kapatid niya sa ina.

TOUGH JOB. Next year na raw ulit sasabak sa isang teleserye si Inah pagkatapos ng kanyang pagbibida sa Oh, My Mama ng GMA Network.

Inamin ni Inah na nasagad siya sa pag-arte sa unang teleserye niya sa Kapuso network.

Pero worth it daw ang lahat dahil maganda ang naging feedback ng marami sa kanyang naging performance.

“Hindi po talaga biro ang almost every taping namin ay umiiyak ako at parating intense ang mga eksena namin.

“There was never a taping day na hindi ako umiiyak, sinasaktan, at sinasabunutan.

“Physically and emotionally draining talaga, I now realize how hard it is to really act, tulad ng ginagawa nina Mommy and Daddy.

“Hindi talaga madali, kaya mas mahal ko na ang trabahong ito ngayon.

"Na-feel ko na ang hirap na maging isang artista kaya mas tumaas ang respeto ko sa mga lumalabas sa mga teleserye.

“I feel that I survived a very big test sa pagiging artista ko,” diin pa niya.

LIGHT ACTING. Dugtong pa ni Inah, “I need to recharge kaya this December, talagang break ko ito.

“Though may mga guestings pa ako, sabi ko na huwag naman yung iyakan kasi nasagad na ako sa Oh, My Mama.

“Gusto ko mga light acting muna or, kung puwede, mga comedies muna ang gawin ko para maiba lang.”

Sa ngayon ay magiging busy si Inah sa promotion ng MMFF official entry na Die Beautiful na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros.

Gaganap na anak ni Paolo si Inah sa naturang pelikula.

“I have a very small role in the movie, parang guest role lang talaga.

“But the scene I am in is one of the touching scenes in the whole film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong nabasa ko ang buong script, naiyak ako.

“I want to be part of this movie kahit na guest role lang, it’s my first movie at napasama pa sa MMFF.

“My first time to ride on a float kaya exciting.

“Noon, si Mommy lang ang napapanood ko doing this on TV.

“Ngayon, ako naman ang makaka-experience ng MMFF,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN