Dramatic actor JC de Vera serious about pursuing comedy

IMAGE Noel Orsal

JC de Vera on his quest to reach the top: "Katulad ng ibang dreams ng ibang actors, gusto ko ring makita kung ano yung nasa itaas, di ba? And patuloy naman din akong nagtatrabaho nang maigi para naman, alam mo yun, makita ko rin kung anong meron dun."


Bukod sa pagiging isang seryosong aktor, gusto rin ni JC de Vera na i-pursue ang pagiging isang komedyante, katulad ng idol niyang si Vhong Navarro.

Ang comedy skills ni JC ay napapansin na rin sa gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae.

Sabi niya, “Ibang level yung si Vhong, pero isa talaga siya sa mga inspirations ko.

“Na, yun nga, bilang aktor, kailangang nag-e-evolve talaga.

“Kailangan laging meron something to offer every time na you're given na opportunity talaga.

“Masaya din ako sa pagiging komedyante, nakaka-relieve din naman ng stress.

“Pero yung sabihing sumusunod ako sa steps ni Vhong, nakaka-pressure yun, ha?

“Ibang level na siya, ibang level na si Vhong at sobrang layo ko pa dun.”

Ano pa ang mga pangarap na gusto niyang matupad bilang isang aktor?

Tugon ng 30-year-old actor, “Well, katulad ng ibang dreams ng ibang actors, gusto ko ring makita kung ano yung nasa itaas, di ba?

“And patuloy naman din akong nagtatrabaho nang maigi para naman, alam mo yun, makita ko rin kung anong meron dun.

“Nabibigyan tayo ng magagandang pagkakataon so, hopefully, one of these days, umabot ako dun.”

JC’S LOVE LIFE. Kumusta naman ang kanyang love life na mukhang tahimik ngayon?

Tugon ni JC, “Okey naman, busy lang talaga sa work.

“Bukod dito [sa Kabisera], I'm starting a new movie with Star Cinema, tapos mayroon naman siyang kasabay na teleserye.

“So, yung personal life ko, nakatali ngayon sa career.

“Sabi ko nga, strike while the iron is hot.

“So, habang may magagandang opportunities na dumarating, nandito ako para tanggapin lahat at habang kaya pa ng aking katawan.”

Masaya naman daw siya sa pagiging single at loveless.

“Oo, happy, sobra!” bulalas ni JC.

“As in marami pang opportunities na nag-o-open na bago. Hindi lang ito.

“Hindi pa siya natatapos at parating may bago at bagong nao-offer sa akin na projects na really challenging at hindi ko pa nagagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya yung excitement, 100 percent pa rin, and the feeling na kinakabahan, nandun pa rin siya every time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN