Andi Eigenmann on Jake Ejercito's openness about being the real father of Ellie: "Good for him."

IMAGE Noel Orsal (Andi)/Instagram (Jake)

Andi Eigenmann on Jake Ejercito: "If he's happy with his life being a dad, being comfortable saying it, shouting it to the world, good for him."


Nagsalita si Andi Eigenmann tungkol sa pagiging “open” ni Jake Ejercito mula nang lumabas ang katotohanang siya ang ama ng anak ng aktres na si Ellie.

Matatandaang nabunyag na si Jake ang tunay na ama ng 5-anyos na anak ni Andi nang aminin ito ng half-sister ng aktres na si Max Eigenmann sa isang podcast show noong Setyembre.

Read: Jake Ejercito is the father of Andi Eigenmann's daughter, claims Andi's sister

Simula nang mabunyag ito, naging masigasig si Jake sa pagpu-post sa social media tungkol kay Ellie, bilang deklarasyon na proud siya sa anak.

Sa kabila nito, inamin ni Andi na matagal na silang hindi nag-uusap ni Jake.

Ngunit masaya raw siya sa magandang relasyon ni Jake at ng kanilang anak.

Pahayag ni Andi, “I haven’t really been in contact with him, sad to say.

"But if he’s happy with his life being a dad, being comfortable saying it, shouting it to the world, good for him."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Andi sa ABS-CBN Christmas Special, sa Araneta Coliseum, noong Martes, December 13.

IS IT TOO LATE? Sa palagay ba ni Andi ay masyado nang late para ipakita ni Jake ang pagiging proud father nito sa kanilang anak?

Tugon niya, “Too late? Di naman.

“For me kasi, it’s not really what the media or the public thinks.

“It’s never about that to me, because I know that it’s so impossible for them to be able to find out exactly what’s happening in our personal lives.

“Even I made a commitment as a public figure, ang hirap naman nun.

“It’s so easy to be misunderstood.

"Kung sa kanya maganda na ginagawa niya ito, e, di okay.

“Ang habol ko lang is that he’s been in the good state in his life forever for him to be the best dad for my daughter.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Oktubre, ibinahagi rin ni Jake sa social media na tanggap ng kanyang mga magulang na sina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez ang anak na si Ellie.

Read: Mayor Joseph Estrada welcomes granddaughter Ellie

Ikinatuwa naman ito ni Andi.

Pahayag niya, “Siyempre masarap yung pakiramdam.

"Ngayon, kahit papaano, kahit di natin inasahan ang mga nangyari... dahil iniiwasan ko nga na ma-misunderstand na naman ako ng mga tao.

“At the same time, I am still thankful for what happened 'coz, at least now, nakakahinga na ako nang maayos.

“Yung sikreto ko, nakalabas na.

“Now, my life is more peaceful. It’s going steady, now I can breathe zestily.”

ON BASHERS AND LOVE LIFE. Sa kabila ng mga isyung ipinupukol sa kanya sa social media, hindi naman daw nababahala rito si Andi.

Aniya, “Since I entered this industry, I just really accepted that you can’t please everybody, and that’s my personality even in real life.

“I have so much friends and my family, they all love me and they’re all there, that’s enough for me.

“They love me for who I am.

"And these people who don’t know me, it’s okay, they are free to judge."

Inamin din ni Andi na masaya siya ngayon sa kanyang buhay pag-ibig, sa piling ng boyfriend niyang si Emilio Arambulo.

Sabi ng aktres, may advantage kapag non-showbiz ang karelasyon.

“Masaya, masaya... mas tahimik by a mile.

"We’ve been together for more than a year, it’s been going on so smoothly.

"It’s me, Ellie and him, we have our own little trio, barkada kaming tatlo."

Interestingly, may Emilio rin sa tunay na pangalan ng ama ni Ellie na si Jake—Juan Emilio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN