Gerald Anderson on real score with Beal Alonzo: "Hindi naman ako nagmamadali."

IMAGE Noel Orsal

Gerald Anderson on meeting Bea Alonzo's family and the real score between them.


Masaya si Gerald Anderson na makilala at makasama ang pamilya ng rumored girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Kumalat sa social media noong December 12 ang larawan nina Bea at Gerald, kasama ang pamilya ng aktres, dahilan upang matuwa ang kanilang fans dahil tila indikasyon ito ng lalo pang paglalim ng relasyon ng dalawa.

Paglalarawan ni Gerald sa pamilya ni Bea, “Mabait sila, mabait silang lahat, e.

"Sobrang close sila at happy lang ako na nakilala ko sila sa ganun. Privileged ako."

Ang pagpunta ba niya sa bahay nina Bea ay nangangahulugang nag-level up na ang relasyon nila?

“Ako naman, nagte-take advantage lang ako sa bawat pagsasama namin, kasi siyempre busy kami pareho.

“Mahalaga pag ganun, importante yun sa amin,” may pag-iwas na sagot ni Gerald.

Sa kabila ng sinasabing nanumbalik ang special relationship nila, consistent naman si Bea sa pagsasabing ini-enjoy lang nila ni Gerald ang bawat isa at hindi sila nagmamadali.

Bagay na sinag-ayunan din naman ni Gerald.

“Di rin naman ako nagmamadali,” sambit niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Gerald sa ABS-CBN Christmas special, na ginanap sa Smart Araneta Colesium nitong Martes, December 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN