Bong Revilla seeks furlough to visit ailing dad Ramon Revilla Sr.

IMAGE Noel Orsal / Mark Pimentel

Humiling ng sandaling paglaya ang aktor at dating senador na si Bong Revilla Jr. para mabisita sa ospital ang kanyang maysakit na ama, ang dati ring aktor at senador na si Ramon Revilla Sr.


Humiling ng sandaling paglaya ang aktor at dating senador na si Bong Revilla Jr. para mabisita sa ospital ang kanyang maysakit na ama, ang dati ring aktor at senador na si Ramon Revilla Sr.

Ayon sa motion na isinumite ni Bong sa Sandiganbayan, hiniling niyang payagan siyang makalabas sa loob ng anim na oras, mula 2 P.M. hanggang 8 P.M.

Ang mga araw na hiniling niya ay December 14, 15 o 16.

Kasalukuyan naka-confine si Ramon Revilla, 89, sa intensive care unit ng St. Luke's hospital, sa Bonifacio Global City, Taguig.

Naka-detain pa rin si Bong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame dahil sa plunder case na isinampa laban sa kanya at sa kaibigan at dating senador na si Jinggoy Estrada.

Ito ay kaugnay ng pagkakadawit ng kanilang pangalan sa pork barrel scam, kung saan sangkot si Janet Lim-Napoles.

Ayon pa rin sa ulat ng GMA News, naunang hiniling ni Bong ang furlough para makapagdiwang ng Pasko kasama ang pamilya, ngunit binawi na niya ito.

Sa panayam ng PEP sa asawa ni Bong na si Mayor Lani Mercado-Revilla, sinabi niyang sa PNP Custodial Center sila magdiriwang ng Pasko.

Read: Mayor Lani Mercado gets sentimental over Bong's plunder case, father-in-law's hospitalization


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN