Eugene Domingo urges Pinoy moviegoers to support MMFF 2016

IMAGE Noel Orsal

Umaasa si Eugene Domingo na magkaisa ang mga Pinoy sa pagsuporta sa napiling walong entries para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Learning process daw ito at kailangan ang pagtutulungan dahil nasa iisang industriya lang naman ang lahat.


Nanindigan si Eugene Domingo na walang dapat ipangamba ang mga manonood sa walong napiling entries sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, sinabi ng aktres na dapat ituring na selebrasyon ng mga Pilipino ang paparating na Pista ng Pelikulang Pilipino.

Saad niya, "I would like to say na parang ayoko sanang mag-take sides.

"Pero kung hindi ka mag-take side, parang bobo ka naman, di ba, na parang meron kang kinakampihan or anything, you want to be safe.

"But I just want to say that there is nothing to compete about.

"This is a celebration because there was a time, wala talagang Pinoy films at all, puro na lang Hollywood.

"Pero ngayon, ang dami nating pagpipilian.

"And if you say, 'Paano naman po yung mga pampamilya, pang mga bata?'

"You have eight films to choose from.

"Subukan po ninyo. I'm very sure you will feel empowered.

"Lalabas kayo sa sinehan na meron kayong iniisip na, 'Puwede pala yung ganung story.'"

Dagdag pa niya, "And to tell you honestly, kilala na po ang mga Pilipino sa paggawa ng pelikula sa buong mundo.

"Sana masimulan na dito sa sarili nating bansa."

Marami ang nagulat dahil ang napiling walong entries sa MMFF ngayong taon ay hindi raw pang-fesfival at karamihan dito ay indie films.

Read: MMFF 2016 official entries revealed

Pinangangambahan ding baka hindi kumita ang MMFF ngayong taon dahil walang entries ang mga sinasabing "MMFF Kings" na sina Vice Ganda at Vic Sotto.

Pananaw ni Eugene tungkol dito, "Susubukan po natin.

"Kaya nga po nagtutulungan tayo lahat para maabot natin.

"At kung hindi man natin maabot, matututo tayo kung paano lahat magiging balanse.

"This is a learning process for all of us.

"But we still have to unite. Huwag po tayo magtalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is our industry, let's not destroy it. Let's not ruin each other. Let's celebrate.

"This is our industry, lahat tayo makikinabang.

"We are very creative people. Let's believe with each other."

Nakausap ng PEP si Eugene sa grand presscon ng Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough ngayong Huwebes, December 15.

Ang naturang pelikula ang official entry ng Quantum Films sa 2016 Metro Manila Film Festival.

FESTIVAL QUEEN? Matagal-tagal na ring hindi nakasali si Eugene sa taunang MMFF.

Ang huli niyang pelikulang kasali sa filmfest ay ang Kimmy Dora 3: Ang Kiyemeng Prequel noong 2013.

Ngayon, mukhang si Eugene ang tatawaging "festival queen" dahil frontrunner siya sa pagka-best actress.

Pero tinawanan lang ito ni Uge, ang palayaw ni Eugene.

Mas pipiliin daw niya ang box-office success kaysa manalong best actress.

Sabi pa ni Uge, We're very, very thankful and very excited."

Bukod kay Eugene, kasama rin sa cast ng Ang Babae Sa Septic Tank 2 sina Kean Cipriano, Joel Torre, Cai Cortez, Khalil Ramos, at Jericho Rosales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN