Ruby Rodriguez: Love ko si Maine.

IMAGE Instagram (@rodriguezruby)

Ruby Rodriguez tweeted that she will always love Maine Mendoza, no matter what foul words bashers call her. 


Idineklara ni Ruby Rodriguez ang pagmamahal niya para sa kasamahan sa Eat Bulaga! na si Maine Mendoza sa pamamagitan ng Twitter.

Ito ay matapos akusahan ng isang basher si Ruby na ginagamit lang diumano nito si Maine at isa siyang “hater ng AlDub Nation.”

Read: Ruby Rodriguez accused by netizen of using Maine Mendoza and being AlDub Nation hater

Kahapon, December 15, isang netizen ang nag-tweet kay Ruby upang paalalahanang huwag na lang pansinin ang basher.

Sinabi rin njitong hindi talaga tunay na fan ni Maine ang nasabing netizen.

Sana rin daw ay mahal din ni Ruby si Maine.

Sinagot naman ito ni Ruby at sinabing love niya ang Dubsmash Queen.

Sabi ng comedienne-TV host, “Oo naman, yung Love kay Meng di magbabago.

“Sabihan na ko kung ano ano names ok lang. Di naman alam ang whole truth.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN