Bea Alonzo shocked by Ian Veneracion's first impression of her

IMAGE Noel Orsal

Bea Alonzo's reaction to Ian Veneracion's first impression of her: "Grabe ka. Hindi ko akalain na ganun ang tingin mo!"


Nagulat si Bea Alonzo nang marinig ang first impression sa kanya ng leading man niya sa A Love To Last na si Ian Veneracion.

Sa press conference ng upcoming Kapamilya primtime series kahapon, December 15, sinabi ni Ian ang unang impresyon niya tungkol kay Bea.

Nakangiting sabi ng aktor habang tinitingnan si Bea, “Noong una, feeling ko, parang typical spoiled brat.”

Agad namang sumabat ang Kapamilya actress, “Hindi ako ganun, ha!”

Patuloy pa ni Ian, “You know, pa-superstar, everyone treats her like a queen.

You know, ang impression ko noong una, 'A, maarte 'to, feeling superstar 'to.'”

Ngunit nang magsimula na silang magkatrabaho, naiba raw ang pananaw ng 41-year-old actor sa 29-year-old actress.

Sabi ni Ian, “Yun ang akala ko. Pero sobrang mali pala ako kasi sobrang down-to-earth niya.

Iniisip ko lang, I mean, matagal na sa showbiz, tapos hindi ko naman siya kilala.

Yun nga, because everybody treats her a certain way.

Hindi mo naman maiiwasan na sometimes you actually believe that you're special because everybody treats you na ganun.

Pero yun nga, sandali lang, in just a few minutes, nakita ko na, 'Ay, okay pala siya.'”

Sa hiwalay na panayam sa dalawa matapos ang presscon proper, tinapik ni Bea si Ian sa braso at sinabing “Grabe ka! Hindi ko akalain na ganun ang tingin mo.”

Patuloy pa ng Kapamilya actress, “Hindi ko akalain na mayroong mga tao na ganun ang tingin sa akin.

Ngayon lang ako nakarinig ng ganun. Baka si Papa I lang yun.”

"Papa I" ang bansag ni Bea at ng co-star nilang si Iza Calzado kay Ian Veneracion.

Gayunman, sabi ni Bea, masaya siyang nakilala nang husto ngayon si Ian habang ginagawa nila ang A Love to Last.

Aniya, “I'm so happy that we got along with each other.

I'm still getting to know him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagiging masaya naman ako sa lahat ng nalalaman ko tungkol sa kanya.

Mukha siyang parang hindi echosero.

Alam ko na matalino siyang tao, alam ko na he's a good actor, he takes this very seriously.

"So, akala ko seryoso siyang tao, hindi pala."

FIRST IMPRESSION ON IAN. Sa press conference, inamin ni Bea na noong una ay nahihiya pa siyang makipagbiruan kay Ian.

Saad ng aktres, “Noong una, alam ko na mukha siyang matalinong tao, para siyang mahiyain. Nagkamali ako. Joke!

Hindi, hindi ako nagkamali, masarap siyang kakuwentuhan.

Pero noong umpisa, para siyang mahiyain. Kasi, noong storycon tayo unang nagkita, di ba?

Parang hindi siya masyadong nagsasalita, tahimik lang.

Kay Iza lang siya kumportable nung time na 'yon, so para pa akong nakikisali sa kulitan nila.

But eventually, nakita ko na, alam mo 'yon, madaling kang makakonekta.

Parang may connection agad, hindi mo kailangang ipilit.

Di ba, ganun daw ang friendship, hindi pinipilit, hindi pinipili, so parang ganun yung kay Papa I.”

Sinabi rin ni Bea na si Ian at ang mga bagong kasamahan sa trabaho ang ilan sa mga dahilan kaya ginaganahan siyang pumunta ng set para magtrabaho.

Aniya, “Ako kasi, in every project, naghahanap ako ng bagay, ng something to look forward to whenever I go to work.

At masasabi ko na 'yong mga katrabaho ko ay isa dun ngayon.

I look forward to working with them, to seeing them, to begin kuwento ulit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN