Ian Veneracion gives Bea Alonzo love advice

IMAGE Noel Orsal

Ian Veneracion describes his leading lady Bea Alonzo as "alaskador."


May advice si Ian Veneracion kay Bea Alonzo tungkol sa pag-ibig na tumatagal.

Sa presscon ng ABS-CBN teleserye na A Love to Last na eere sa January 9, pahayag ni Ian, "I think the kind of love that lasts is the love based on respect.

"It's a big part kasi yun nga, sometimes yung love mo sa isang tao, sometimes you love the person so much, sometimes not so much.

"Sometimes kapag nakukulitan ka, you actually hate that person.

"But the respect is constant and is always there.

"So it's the kind of love based on respect, I think it's golden ingredient for a love to last."

Pagkatapos nito ay binalingan ni Ian ang leading lady sabay sabi na, "Kaya ikaw."

Napangiti naman si Bea at sinang-ayunan ang sinabi ng kanyang leading man. Kasalukuyang nali-link ang dalaga kay Gerald Anderson.

Kumusta namn si Bea bilang katrabaho?

Ayon sa dating child actor, "Unang-una, nagulat ako kung gaano siya ka-alaskador which really makes me feel comfortable kasi alaskador din ako.

"And, you know, it's my way of saying na, kunyari pag bago ko pa lang nakita ang tao 'tapos dyinu-joke ko siya, parang it's my way of saying na puwede mo rin akong biruin.

"E, ganun din siya, makulit.

"So pareho kami."

Paano ba siya binibiro ni Bea?

Tugon niya, "Ang unang-unang sabi niya sa akin, 'Hello po, Tito.'

"Sabi ko, 'Bahala ka, ang lakas mang-asar nito, ha?'

"Ngayon, 'Kuya' na lang, medyo na-upgrade ako nang konti.

"Parang ang suplada."

Pero sa ngayon, ang tawag na sa kanya nina Bea at Iza Calzado, na kasama rin sa serye, ay "Papa I" na si Bea rin ang nagpasimula.

Dugtong pa niya tungkol kay Bea, "Madaling makatrabaho kasi, behind the scenes, masaya and very comfortable.

"Kasi as actors, you have to open up yourselves, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Maging yung personal life is part of your work, e.

"So it's very important na as co-actors, alam mo yung core ng katrabaho mo.

"Ako din, I'm very comfortable telling her stuffs regarding my personal life.

"'Tapos, pagdating sa seryosong eksena, sobrang seryoso kami.

"Sobrang supportive kami sa isa't isa. Masaya."

Samantala, hiningi namin ang reaksiyon ni Ian tungkol sa pabata nang pabatang leading ladies niya na nagsimula kay Jodi Sta. Maria, 34, at ngayon ay si Bea, 29.

Baka nga raw sa susunod ay kay Julia Barretto na siya i-partner na kasama rin sa nasabing teleserye.

Ayon sa 41-year-old Kapamilya actor, "Wala, I'm just thankful na, yun nga, I'm given these projects.

"Thank you."

Bukod sa teleseryeng ito, meron pa siyang dalawang pelikula na ipapalabas kasama si Iza. Napaka-busy niya!

Aniya, "Unang-una, it feels great.

"And I'm just thankful and, yun nga, with all these opportunities and yung movies ko.

"I get to work with these people, and yun, it's totally unexpected and, yun nga, it's not up to me.

"I don't want to...and I'm just thankful, I'm just grateful."

Baka may maganda siyang ginawa, "maybe in my past life," ang mabilis niyang dagdag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN