Billy Crawford to fans claiming he's being chummy with Dawn Chang: "#mema lang happy kayo!"

IMAGE Courtesy of @coleengarcia on Instagram

Billy Crawford says he has so much respect for his girlfriend Coleen Garcia: "Stop starting lies to ruin our happiness!"


Dinenay ng ABS-CBN host na si Billy Crawford ang akusasyon ng ilang bashers na masyado itong napapalapit sa Girl Trends member na si Dawn Chang.

Kahapon, December 16, nag-post sa Instagram ang girlfriend ni Billy na si Coleen Garcia.

Sa comments column ng post, isang nagpakilalang fan ang nagsabi tungkol sa pagiging close nina Billy at Dawn na parehong napapanood sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

WORRIED FAN. Ikinuwento ng Instagram user na si @ailyn_tnghn na marami na raw ang nakakapansin na masyado nang nagiging malapit ang boyfriend ni Coleen kay Dawn.

Ang komento nito (revised for brevity):  "Hi, idol @coleen, may nag-chat po sa akin now.

"Simula daw po pagkanta magkatabi na si Dawn Chang at kuya. Nag-aalala lang po ako. Baka kung papaano na iyan . Wag naman sana.

"Isa pa. Kahapon may nag-status, fan din siya ng @bicol, lagi daw magkadikit si Dawn at Kuya e ayaw maniwala ng mga fan ng @bicol dun sa babae na naggawa ng status...

"Ang ginawa ng fan ng @bicol, binasher siya.

"Wag mo po ako iba-block. Hindi ko na makikita ang mga post mo. Super super idol kita. Wag kang magagalit sa akin nag-aalala lang po talaga ko."


Bukod dito, pinagsabihan ng isa pang IG user na si @tinniehh si Coleen na wag itong magpadalus-dalos sa pagpapakasal kay Billy.

Pinaratangan pa nito ang actor/host na "malandi."

Ang buong komento nito (revised for brevity): "Malandi naman talga iyang @billyjoecrawford, e. Alam naman ng lahat iyan. @coleengarcia please, wag kang magkamali na umoo sa kanya kung gusto na niyang magpakasal sa 'yo.

"Kawawa ka lang. Ikaw palagi ang sinasabihan na 'malandi' pero di ka naman nali-link sa iba.

"Etong si Billy kahit di niya trabaho na ipares siya sa ibang babae e kusa namang lumalandi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BILLY RESPONDS. Agad nabasa ni Billy ang mga komentong ito at bumuwelta sa kanyang mga bashers.

Aniya, ""For those who speak against me, please stop. Stop starting lies to ruin our happiness!

"You all have NO RIGHT to assume things about me.

"I am in the same spot on this show every day for the past five years. If it's not someone, it's someone else.

"The year is almost over and still you talk the same crap over and over again.

"ENOUGH IS ENOUGH! Worry about yourselves before others."

Diin pa ni Billy, malaki ang respeto niya sa girlfriend at hindi na rin siya bata para hindi seryosohin ang kanilang relasyon.

"I have respect for Coleen and myself so do not ruin other lives for your satisfaction! SOBRA NA KAYO EH!"

"I am 34 yrs old and have no time for games!!! Lahat kayo #mema [me masabi] lang happy kayo! Tsk tsk.

"May God forgive you for all your sins cause I already do! Sad that the world we live in are full of haters and bashers.

"God will prevail not us."


Dugtong pa ni Billy, "@ailyn_tnghn, @tinniehh and the rest of you who speak this crap, May the Lord Bless you still."


Pagkatapos ay nag-post si Billy sa kanyang Instagram ng mga Bible verses tungkol sa pagkakalat ng maling kuwento at pakikipagtsismisan.

Ang buong caption ng post: "Pay attention to the word. Gossip is a SIN! May God still Bless those who spread gossips and may the Lord Our Savior Forgive you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN