Paolo Ballesteros says he remains professional when it comes to work

by Bernie V. Franco
Dec 21, 2016
Paolo Ballesteros on professionalism: "Sa lahat naman ng project ko, ibinibigay ko 100 percent. Hindi naman ako nagdadalawang-isip."

Muling ipinamalas ni Paolo Ballesteros ang kanyang talent sa make-up transformation sa bloggers’ conference ng pelikula niyang Die Beautiful, official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Dumating siya sa event na naka-Lady Gaga ang hitsura niya.

Nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gaano siya katagal nag-ayos para sa maging kamukha ang international singer, sagot ni Paolo, “Kanina pa ako ala-sais nagmi-make up.

“Ala-sais pa lang ng umaga, nagsimula na akong magkutkot ng kilay ko.”

Ginanap ang blogcon sa Salu Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, nitong Miyerkules, December 21.

Tinanong din ng PEP si Paolo kung paano niya iniingatan ang kanyang kasikatan ngayon, lalo pa’t dumaan din siya sa kontrobersiya sa unang bahagi ng taon.

Pinatawan ng six-month suspension ng Eat Bulaga! si Paolo noong Marso matapos mag-status sa Facebook tungkol sa hindi pag-asikaso sa kanya ng production staff nang dumating siya para mag-host sa isang event sa Subic.

Continue reading below ↓

Read: Paolo Ballesteros suspended from Eat Bulaga over Facebook rant?

Ani Paolo, gaya ng dati, nananatili pa rin siyang professional pagdating sa trabaho.

“Professionalism, I guess. Kaya naman nagkaroon tayo ng awards, nakilala.

“Alam mo yun, mabusisi [ako sa trabaho], same pa rin yun. Wala namang nagbago.

“Ganun pa rin. Kahit pa naman nung umpisa, ganito na ako. Wala pong nagbago.”

Sabi pa ni Paolo, “Sa lahat naman ng project ko, ibinibigay ko 100 percent. Hindi naman ako nagdadalawang-isip.”


Continue reading below ↓

Sinang-ayunan naman ito ni Jun Lana, ang direktor ng Die Beautiful.

Saad niya, “Strength ni Paolo yung pagiging professional niya as an actor, mabusisi, madetalye.

"Kasi nga, apo ni [Fernando] Amorsolo. Kailangan perfect.

“He’s such a joy to work with. Napaka-professional.

"Naiintindihan ko kasi where he’s coming from."

Read Next
Read More Stories About
Paolo Ballesteros
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros on professionalism: "Sa lahat naman ng project ko, ibinibigay ko 100 percent. Hindi naman ako nagdadalawang-isip."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results