Valeen Montenegro reveals her parents do not approve of her Fil-Spanish boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Valeen Montenegro on relationship with boyfriend Selu Lozano: "I want to work out things between my family and my boyfriend. Lagi kong ipinagdarasal na, 'Sana, Lord, pansinin naman nila si Selu.' I want him to be a part of our family. Christmas miracle kung biglang magbago ang pagtingin nila kay Selu!"


Hindi masagot ng Kapuso actress na si Valeen Montenegro kung makakasama ba niya sa Noche Buena ngayong December 24 ang kanyang Fil-Spanish boyfriend na si Selu Lozano.

Naging open si Valeen sa pagsabing hindi pa tanggap ng kanyang parents ang pakikipagrelasyon niya kay Selu, kahit na pitong taon na ang kanilang relasyon.

Nahihirapan daw ang Sunday PinaSaya at Bubble Gang mainstay na ipaintindi sa kanyang mga magulang na mahal niya ang boyfriend at nais niyang magkaroon ito ng magandang relasyon sa kanyang pamilya.

Kahit 26 years old na raw siya, overprotective pa rin sa kanya ang parents niya.

Saad ni Valeen, “Ako kasi ang bunso, at kahit naman sino ang naging boyfriend ko before, parang ang hirap nilang tanggapin.

“That’s why kahit na may mga special occasions sa bahay namin, hindi ko ma-invite ang boyfriend ko, kasi baka magkakaroon ng awkward feeling with my parents.

“I know where my parents are coming from. They just want the best for me.

“Pero sana naman, dahil nasa tamang edad na ako, matanggap na nila nang buo ang taong mahal ko.

“Yun lang naman ang gusto kong mangyari. Para, di ba? Happy family na kami.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang press conference ng pelikulang Mang Kepweng Returns, na ginanap sa Max’s Restaurant, sa Scout Tuazon, Quezon City, noong December 21.

WHO IS SELU? Isang fitness trainer at football player ang boyfriend ni Valeen na si Selu.

Kuwento ng aktres, “Never kaming naging friends talaga kahit neighbors kami.

“As in, mga bata pa lang kami, dedmahan na.

“Nagkaroon lang kami ng chance to get to know one another dahil sa pinsan ko who plays football.

“Ako kasi ang chaperone ng cousin ko kapag naglalaro siya.

“Nagkataon that he’s also a football player and he teaches the sport as well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Doon na lang kami nagkakilala nang husto. Kasi sporty person din ako.

“We dated, pero mostly, we work out sa gym. Naging gym buddies kami.”

Hindi raw matandaan ni Valeen kung paano siya niligawan at napasagot ni Selu.

“Parang hindi naman niya ako niligawan!” tawa pa niya.

“Sa totoo lang, wala akong maalala kung paano siya nanligaw talaga.

“Basta parang naging kami na lang.

“Hindi naman yata uso sa mga tulad nila ang ligaw-ligaw, di ba?

“Maybe that’s one reason bakit hindi pa siya bet ng parents ko.

“Kasi nga, hindi siya nakitang umakyat ng bahay namin para manligaw. Naging kami na lang.”

It's Ber months and I'm missing summer. ???? #throwbackthursday #tbt #vacation

A photo posted by Valeen Montenegro (@valeentawak) on

NO WEDDING PLANS YET. Ang pinakagusto raw ni Valeen kay Selu, bukod sa sweet ito at physically fit, ay ang hilig nito sa mga bata.

“Selu loves kids. He teaches little kids ng football.

“Nakikita ko siya how he is with children. He’s very caring and loving.

“Kaya minsan naiisip ko kung ano kaya siyang klaseng tatay sa mga magiging anak niya?

“Kung sa ibang bata, parang expert na siya. What more sa sarili niyang anak, di ba?” nakangiting sabi ni Valeen.

Pero wala pa naman daw balak si Valeen na mag-asawa dahil marami pa siyang gustong ma-achieve sa career niya.

Saad niya, “Actually, ang ganda ng 2016 ko.

“I had Sunday PinaSaya, Bubble Gang; nagkaroon ako ng teleserye with Ms. Regine Velasquez-Alcasid [Poor Senorita]; and now I have a movie with Vhong Navarro na Mang Kepweng Returns.

“It’s all coming to me so fast na nakakatuwa.

“Kahit na may mga pinagdaanan tayong mga intriga, parang okey lang na nangyari lahat iyon. It made me a stronger person.”

Dugtong niya, “Sa pagpapakasal, hindi pa po muna.

“I am still young and marami pa akong gustong mangyari sa career ko.

“Siguro in two years time… bago ako mag-30 years old… baka ma-consider ko na to settle down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero for now, I want to work out things between my family and my boyfriend.

“Lagi kong ipinagdarasal na, ‘Sana, Lord, pansinin naman nila si Selu.’

“I want him to be a part of our family.

“Christmas miracle kung biglang magbago ang pagtingin nila kay Selu!” tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN