Gabby Eigenmann fulfills childhood dream this Christmas in New York

IMAGE Gabby Eigenmann Instagram

Gabby Eigenmann on watching New York Knicks play on Christmas Day in New York: "I've been very vocal naman about my favorite NBA team, and it happened pa na natapat na Christmas day. Actually, medyo mahal ang ticket, pero sige, parang it's something that I've been wanting to do."


First time ng Kapuso actor na si Gabby Eigenmann na mag-Pasko sa New York.

Noon pang December 15 siya umalis kasama ang kanyang misis na si Apples at ang apat nilang anak.

Had so much fun at Universal.. Love you guys!!!

A photo posted by gabbyeigenmann (@gabbyeigenmann) on

Excited si Gabby dahil isa sa childhood dream niya ang magkakaroon ng katuparan sa mismong araw ng Pasko.

Ito ay ang makapanood nang live ang laro ng paboritong basketball team niya, ang New York Knicks, sa Madison Square Garden.

Lahad ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It's a dream come true.

“I've been very vocal naman about my favorite NBA team, and it happened pa na natapat na Christmas day.

“Actually, medyo mahal ang ticket, pero sige, parang it's something that I've been wanting to do. 

“Naintindihan naman ng mga anak ko kung hindi ko sila masasama muna.

“Although they want to watch, too, pero I told them na maybe next time, yung medyo far seats siguro.”

Ang nakuhang seat ni Gabby ay malapit talaga sa arena, at ipinagdarasal niyang magkaroon siya ng pagkakataong makapagpakuha ng picture sa paboritong NBA team.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN