Aiko Melendez frontal bikini photo leaked online

IMAGE Instagram (@cezgella)

Although Aiko Melendez previously posted that she didn't want to post her frontal bikini photo, a netizen just did!


Isang netizen ang nag-post sa Instagram ng larawan ng aktres na si Aiko Melendez na naka-two piece bikini habang nasa beach.

Caption dito ng netizen na may handle name na @cezgella: "Wow! Ang angas a! Keep it up sis"

Nagkomento naman si Aiko at sinabing mabilis itong nai-post, at tinanong pa ang netizen kung saan nakuha ang nasabing larawan niya.

Posibleng kakilala ni Aiko ang netizen dahil pina-follow ito ng akres sa Instagram.

Wow! Ang angas a! Keep it up sis

A photo posted by @cezgella on


Noong nakaraang linggo ay nag-post si Aiko ng kanyang larawan na kuha rin sa naturang beach, pero hindi ito nakaharap.

Sabi ng aktres, hindi muna siya magpu-post ng kanyang bikini photo hangga't wala siyang abs.

Magkahalo naman ang reaksiyon ng mga netizen sa ipinost na bikini photos ni Aiko.

May mga bumatikos sa kanya at inakusahan pa na filtered ang mga ito.

Depensa naman si Aiko, nag-post siya ng larawang naka-bikini dahil pinaghirapan niya ang kanyang pangangatawan, kahit hindi man siya ganun kapayat.

Mayroon din namang netizens na nagpakita ng suporta sa aktres.

Read: Aiko Melendez accused by netizen of using too much filter in her bikini pics


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN