Raymart Santiago spends Christmas with his kids despite rift with Claudine Barretto

IMAGE Instagram (@raymartsantiago)

Despite rift with estranged wife Claudine Barretto, Raymart Santiago still gets to spend Christmas with their kids.


Sa kabila ng bagong hidwaan nila ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto, nakapiling pa rin ng aktor ang dalawa nilang anak ngayong Pasko.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Raymart ang isang larawan kasama sina Sabina at Santino, na hawak ang tila regalo ng ama sa kanila.

Simpleng caption ni Raymart dito: “May the spirit of the season bring you closer to those whom you cherish so much. May this be a year of celebrations for everyone. Merry Christmas to all.”

With love and warm greetings from us all. Merry Christmas!

A photo posted by raymartsantiago (@raymartsantiago) on

Ilang araw bago mag-Pasko, noong December 20, isang makahulugang mensahe ang ipinost ni Claudine sa Facebook.

Hindi man tinukoy ng aktres kung para kanino ang post niyang iyon, malinaw na ang kampo ni Raymart ang pinasaringan niya.

Sa nasabing post, sinabi ni Claudine na sana ay sa korte mag-Pasko at mag-Bagong Taon ang mga taong kanyang balak idemanda.

“Be prepared to defend yourselves. Hope u guys have a Merry Christmas & a New Year in Court.

“All Santino & i wanted was for your family to say 'SORRY' and to assure us that ur family will NEVER RAISE YOUR HAND ON MY SON or Daughter,” bahagi ng post ng aktres.

Posibleng may kinalaman ito sa diumano'y pananakit ng pamangkin ni Raymart kay Santino.

Ang pamangkin na ito ni Raymart ay anak ni Randy Santiago, kuya ni Raymart.

Sinabi rin ni Claudine sa comment section ng kanyang post na hindi pinrotektahan ni Raymart ang kanilang anak.

Read: Claudine Barretto to Raymart Santiago and his family: "Merry Christmas & have a hell of a New Year!"

At press time ay hindi na available ang Facebook post na ito ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN