Lovi Poe on Chris Johnson: "We're definitely more than friends."

IMAGE Lovi Poe Instagram

Lovi Poe on why she doesn't believe in courtship: "Kasi kapag courtship, best foot forward 'yan. At least ito, ako, I'm showing my true colors immediately. Siya rin, parang I just have to see what I have to see. Walang pretensions."


Walang dudang masaya ang Pasko ni Lovi Poe.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang ilang pictures kasama ang kanyang pamilya nitong nagdaang Noche Buena at mismong araw ng Pasko.

Bukod sa kanyang pamilya, kasama rin ni Lovi sa isang larawan ang rumored boyfriend niyang si Chris Johnson, na lumipad sa Pilipinas para magkasama silang magdiwang ng Kapaskuhan.

Christmas with my family. ??

A photo posted by Lovi Poe (@poevirginia) on

Sa kasalukuyan ay nasa Phuket, Thailand naman sila.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi noong huling araw ng taping ng primetime series na Someone To Watch Over Me, nabanggit niyang sa kanyang bagong bahay sila magpa-Pasko.

Pero pagkalipas ng Pasko ay lilipad sila papuntang Thailand para magbakasyon hanggang Bagong Taon.

Sabi ng Kapuso actress, “I won’t be here in New Year. We’ll be with friends.

“Dun kami maghe-hello ng 2017. We’ll gonna be island hopping.”

Time to get that tan back.??

A photo posted by Lovi Poe (@poevirginia) on

REAL STATUS. Natawa naman si Lovi nang diretsahan naming tanungin kung ano na ang status nila ni Chris.

Sabi niya, “Wala pang status.

“Hindi ko po alam, e. I am just enjoying.”

Paano niya ilalarawan ang namamagitan sa kanila ngayon ni Chris?

Tugon ni Lovi, “It’s very... we’re definitely more than friends.

“It’s just that, like I’ve said before, I don’t believe in courtship. I believe in companionship.

“So, parang getting-to-know. Kasi kapag courtship, best foot forward ‘yan.

“At least ito, ako, I’m showing my true colors immediately.

“Siya rin, parang I just have to see what I have to see. Walang pretensions.”

Travelers.??????

A photo posted by Lovi Poe (@poevirginia) on

Karamihan ng naging ex-boyfriends ni Lovi ay Pinoy.

Ano ang nakikita niyang kaibahan ng pagkakaroon ng relasyon sa isang foreigner?

Saad niya, “Parang wala naman akong nakikitang difference.

“Wala naman, kasi I’ve been very lucky naman with my past relationships.

“They’ve been so good to me so, parang siyempre, iba’t ibang tao, iba’t iba naman ang ugali, iba’t iba ang pakikitungo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero I cannot compare kasi lahat naging mabuti sa akin.”

Aprubado ba sa mommy niya, ang dating model-actress na si Rowena Moran, si Chris?

“My mom likes him,” nakangiting sagot ni Lovi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN