Dingdong Dantes and Marian Rivera's Christmas becomes more meaningful because of Zia

IMAGE Arniel C. Serato

Kasalukuyang nasa Bali, Indonesia ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang kanilang anak na si Zia. Pero uuwi rin daw sila bago mag-New Year para dito salubungin ang Bagong Taon.


Madaling-araw ng December 26, Lunes, namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa boarding lounge ng Cathay Pacific sa Ninoy Aquino International Airport (Terminal 3).

Kasama ng dalawa ang kanilang unica hija na si Zia.

Nagpaalam ang PEP sa Kapuso couple kung maaari ba namin silang kuhanan ng litrato at kapanayamin.

Pumayag naman si Dingdong ngunit nakiusap itong huwag nang kunang nakaharap si Baby Zia.


Inusisa muna namin ang Alyas Robin Hood star kung paano nila ipinagdiwang ang nakaraang Pasko.

Pahayag niya, “Sa ano lang, sa bahay lang ng mga magulang ko.

“So, kung ano yung ginagawa namin traditionally for the past eight years ata, yun pa rin ang ginagawa namin. Wala namang bago.”

Pero ngayon daw, mas iba ang kaligayahang nadarama nina Dingdong at Marian dahil kapiling nila si Zia.

Aniya, “Mas masaya, mas enjoy na namin siyempre yung… lalo na yung pagbubukas namin ng mga regalo niya.

"So, mas nagiging meaningful ang Christmas pag may bata, di ba?”

Sa Bali, Indonesia ang mag-anak. Pero babalik daw sila bago mag-New Year.

Read: Dingdong Dantes, Marian Rivera, and Baby Zia now in Indonesia

Mayroon bang New Year's Resolution si Dingdong?

Natatawang sagot ng Kapuso Primetime King, “Meron din naman. Pero, ayun, pag-uusapan namin doon.”

ALYAS ROBIN HOOD. Isa rin sa ikinatutuwa ni Dingdong ang pagka-extend ng kanyang primetime show sa GMA Network na Alyas Robin Hood.

Aniya, “Okay naman, tuluy-tuloy siya. .

"Hindi naman alam though kung kailan matatapos kasi na-extend siya, e.

"So, pagbalik, trabaho kaagad."

Base sa NUTAM ratings ng AGB Nielsen, malaki ang kalamangan ng Alyas Robin Hood sa mga katapat nitong programa. Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ni Dingdong, “Ano naman, basta ang mahalaga, ibinibigay mo talaga yung best mo bawat show.

"Regardless kung successful ba siya o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, as actors, kailangan talagang dini-dedicate mo talaga lahat ng talent mo doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN