Rep. Vilma Santos-Recto declines offer to be a judge in MMFF 2016

IMAGE Screen grab from GMA News & Public Affairs YouTube

Rep. Vilma Santos-Recto was offered to be a judge in the 2016 MMFF Awards Night, but her busy schedule did not allow it. She says, "Baka wala akong time for the screening or yung preview, tapos magdya-judge ako. Kailangang pag-aralan mong mabuti 'yon para maging fair ka kapag nag-judge. But I don't have the time, e, sayang."


Ipinaliwanag ng Star For All Seasons at Lipa City representative na si Vilma Santos-Recto ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang pagiging hurado sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night.

Ayon kay Vilma, “Kasi hindi kakayanin talaga ng schedule ko.

“Plus, inisip ko rin, may mga araw na kailangang panoorin mo [ang MMFF entries].

“Hindi na ako makakapanood. Baka maging unfair ako doon sa mananalo.

“I have to see kasi all the films, but I don’t have the time para bantayan yung ano nila, screening nila.

“So, I think they got John Lloyd [Cruz] naman.

“But I got it through text lang. No official letter.”

Kung sakaling may official letter bang ipinadala sa kanya ay tatanggpin niya ang imbitasyon na maging judge sa MMFF?

Ayon sa actress-politician, “Yung time ko lang ang problema.

“Baka wala akong time for the screening or yung preview, tapos magdya-judge ako.

“Kailangang pag-aralan mong mabuti ‘yon para maging fair ka kapag nag-judge.

“But I don’t have the time, e, sayang. Pero I didn’t get any official invitation na letter. Text lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Vilma sa Christmas party ng Vilma Santos Solid International (VSSI), sa pangunguna ni Jojo Lim, na ginanap sa Tramway, Roxas Boulevard, Pasay City, noong nakaraang linggo.

PROPOSED BILL. Sa hiwalay na pakikipag-usap ng Philippine Movie Press Club (PMPC) officers and members kay Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez, ipinaalaala nitong banggitin sa mga kapwa niya artistang nasa Kongreso ang isang bill na magbibigay ng ilang bahagi sa kabuuang kita ng MMFF sa entertainment writers

Binanggit namin ito kay Vilma at hiningi ang kanyang reaksiyon.

Saad niya, “Alam mo, hindi ako maka-comment. Kailangan mabasa ko.

“Kasi, alam ninyo pagdating sa Congress... ngayon ako natututo, ha.

“Akala ninyo ba ganoon kadali lang? Hindi ganoon kadali yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bago ka makahikayat, out of 300 [congressmen] kailangan makahikayat ka; sampu, masuwerte ka na.

“Kasi kaya may tinatawag na lobbying, e. Ilalapit mo, ipapaliwanag mo.

“Kasi not everybody will vote for that.

“That’s why hindi ko mababanggit ‘yan kung oo o hindi, kasi wala akong nakikita. It’s all verbal.

“So, kailangan makita ko kung ano ang panukalang ‘to.

“Dahil kung magiging malaking pabor naman at maila-lobby natin for the movie press, why not?”

Patuloy ni Vilma, “Ang dami naming artista doon [sa Kongreso], di ba?

“Ang dami nang nag-senador, ang dami nang dumaan sa Kongreso.

“Meron bang naipasang matibay-tibay to protect the movie industry?

“Because, hindi dahil sa ayaw nila. Meron, pero hindi ganoon kadali para mahikayat mo yung more than majority na bigyan ninyo kami ng kaltas sa amusement tax.

“Akala mo ba mapapa-oo mo lahat? Hindi.

“At kapag hindi mo napa-oo, bagsak din ang panukala mo.

“Eto yung part ng learnings na matututunan mo sa Congress.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN