Sen. Ralph Recto proposes to Rep. Vilma Santos again one year before their 25th wedding anniv

IMAGE File

Rep. Vilma Santos-Recto on why she loves travelling: "Every time we travel, that's the only time na normal kami. Dito ang buhay namin, hindi normal. Kaya napansin ninyo, every year, umaalis kami ng banasa. Kasi, that's the only time we have for each other. Natitimplahan ko siya ng kape. Dito hindi, may gagawa noon para sa kanya."


Sa December 11, 2017 ay ipagdiriwang nina Lipa City Rep. Vilma Santos at Senator Ralph Recto ang kanilang silver wedding anniversary.

Ikinasal sina Vilma at Ralph noong December 11, 1992 sa Lipa City Cathedral.

May plano na ba silang mag-asawa para sa kanilang 25th wedding anniversary?

Ayon kay Vilma, “Noong 24th anniversary namin, wala, simple lang. Nag-dinner lang kami sa bahay.

“Pero kasi busy din siya, e. Busy din ako

“For next year? Ewan ko. Hindi ko pa alam.

“Noon pa niya sinasabi nung anniversary namin... sabi niya, ‘I will propose to you again.’

“Yun pala, kagabi niya ginawa sa [Congress] party.”

SECOND PROPOSAL. Between travel around the world and church wedding, mas preferred ni Vilma ang bumiyahe.

“Oo naman. Kapag kasal, e, di ba, gastos ulit yun?

“Pinapili ako, e. Sabi niya, ‘Do you want to have another church wedding or mag-honeymoon tayo around the world?’

“Hindi, kasi we love to travel.

“Every time we travel, that’s the only time na normal kami. Dito ang buhay namin, hindi normal.

“Kaya napansin ninyo, every year, umaalis kami ng banasa.

“Kasi, that’s the only time we have for each other. Natitimplahan ko siya ng kape

“Dito hindi, may gagawa noon para sa kanya.”

Why not get married abroad?

“Baka Las Vegas!” tawa ng Star For All Seasons.

“I don’t know. Malalaman ko lang next year.

“Pero seryoso siya, e. Since silver wedding anniversary namin, meron siyang gustong mangyari, e.

“Meron talaga siyang gustong mangyari.”

Kuwento pa ni Vilma, “Pero tinanong niya ako kagabi, although noon pa niya sinasabi, ‘I will do a proposal, I will do another proposal sa ‘yo,’ nung anniversary.

“Tapos kagabi nga niya ni-reveal. Talagang sinabi niya sa lahat, ‘Will you marry me again?’

“E, di kinikilig naman ako. Ewan ko lang kung lasing din siya!

“Hindi, even before that, sinabi niya, ‘I will propose to you again.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero malay mo, baka ikasal kami ulit.”

Kung sakaling ikasal ulit sila, sa aling simbahan niya gusto?

Sagot ng actress-politician, “Alam mo, sa Cathedral kami ikinasal noon. At nandiyan pa rin ang Cathedral ng Lipa.

“Given a chance, the same church, sa Cathedral ng Lipa.

“Saka doon kami ikinasal talaga. Akalain mo ba na maging mayor pa ako doon!”


LUIS-JESSY RELATIONSHIP. Ano naman ang reaksiyon ni Vilma sa paglantad ng anak niyang si Luis Manzano at ng aktres na Jessy Mendiola tungkol sa kanilang relasyon on national television?

Ginawa nila ito sa isang episode ng game show na hinu-host ni Luis sa ABS-CBN, ang Family Feud.

Read: Jessy Mendiola declares love for boyfriend Luis Manzano

Ayon kay Vilma, “Masaya yung anak ko, e. Nakikita ko yung mukha ni Lucky, masaya, e.

“Si Jessy, masaya rin.

“Kapag masaya ang anak ko, masaya rin ako, di ba?

“Who are you to ano ba, e, yung mga bashers, e, gusto lang mang-bash. Okey lang.

“Tsaka kapag masaya ka, hindi mo na papakinggan yung mga bashing, e.

“Kaya sabi ko sa anak ko, ‘Huwag mo nang patulan. Basta ang importante masaya ka.’”

May mga nagsasabing masuwerte si Luis kay Jessy dahil maganda at sexy ito.

Pagsang-ayon ni Vilma, “Oo, maganda naman siya. Saka kapag pumupunta siya sa bahay, wala siyang makeup.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN