Sunshine Dizon tells basher to get a facial: "Baka sakali pati ugali mo po gumanda ng slight."

IMAGE Courtesy of @m_sunshinedizon on Instagram

Sunshine Dizon tells basher: "Kaya po namula ang muka kasi po nagpa facial baka po kasi wala sa bundok nyo yung ganyan para alam nyo po at hindi kung ano ano po ang sinasabi nyo."


Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon na patulan ang isang basher matapos nitong punahin ang kanyang "change/revenge aura."

Kahapon, December 28, nag-upload si Sunshine ng kanyang selfie matapos nitong magpa-facial.

Caption niya rito: "Bumagay ako sa clinic decor here at #belomorato for a much needed thorough face cleaning before the year ends. (Excuse my after cleaning pink face) Thank you Dra. @victoria_belo and @belobeauty Happy new year"

Sa comment section ng nasabing post, isang basher na may Instagram handle na @ratedspggg ang pumuna sa namumula pang mukha ni Sunshine dahil kakatapos lang nitong magpa-facial.

Nag-suggest pa itong palitan na raw ang kanyang derma.

Ang buong komento ng basher: "Nako hindi kasi makuntento sa mukha may pa change/revenge aura pang nalalaman para mapakita lng na bumabangon sa pagkakadapa yan tuloy nangyari sa susunod mas malala pa mangyayari sau dahil sa goal mong iyan.

"ayaw ko talaga dyan kay beki belot napaka palpak sana kay manny kalayan ka nalang.hindi kasi makuntento sa face. pwe"


Sinagot naman ito ni Sunshine at iminungkahi pa nitong magpa-facial din ang kanyang basher.

Sabi ng Ika-6 na Utos actress: "@ratedspggg try mo po mag facial ati, baka sakali pati ugali mo po gumanda ng slight."

"Kaya po namula ang muka kasi po nag pa facial baka po kasi wala sa bundok nyo yung ganyan para alam nyo po at hindi kung ano ano po ang sinasabi nyo."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN