John Lloyd Cruz on Joshua Garcia as 'next JLC': "Joshua will become his own name."

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

John Lloyd Cruz (right) on Joshua Garcia (left): "We have to give it to the guy, labas po tayo diyan, definitely labas ako. But maybe I serve some kind of inspiration, and I appreciate that. Sometimes it flatters me, but sa tingin ko, ang papel ko is to encourage Joshua to become his own."


“The next John Lloyd Cruz.”

Ito ngayon ang bansag sa young actor na si Joshua Garcia dahil sa mahusay nitong pagganap sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na Vince & Kath & James.

Maliban sa husay sa pag-arte ay marami ang nagsasabing malaki ang pagkakahawig ng hitsura ni Joshua kay John Lloyd.

Sa mga naunang panayam kay Joshua ay sinabi nitong isa sa mga iniidolo niyang mga artista si John Lloyd, at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makasama ito sa isang proyekto.

Ikinatuwa naman ito ni John Lloyd, pero hindi na raw kailangang sumunod sa yapak niya si Joshua dahil kayang-kaya nitong gumawa ng sarili niyang marka sa showbiz.

Pahayag ng premiere Kapamilya actor, “You know, Joshua is his own person, his own artist, his own talent, so walang magkakapabago nun.

“Joshua will become his own name, and Joshua will make a mark in this industry sa sarili niyang effort, sarili niyang paghihirap, sa sarili niyang pagmamahal sa ginagawa niya.

“We have to give it to the guy, labas po tayo diyan, definitely labas ako.

“But maybe I serve some kind of inspiration, and I appreciate that.

“Sometimes it flatters me, but sa tingin ko, ang papel ko is to encourage Joshua to become his own.”

Handa rin daw si John Lloyd na makasama sa trabaho ang former Pinoy Big Brother All In housemate.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN