Boobay on his recovery from stroke: "Pinagbigyan pa ako ni Lord."

IMAGE Boobay's Instagram

Kapuso comedian Boobay is recovering well after suffering from a stroke last November. In right photo, he is seen with his partner Kent Juan Resquir during their recent visit in Ilocos Norte. The comedian said he will return to work this 2017.


Bago mag-Bagong Taon, nagsimula na muling mag-post sa kanyang Instagram account ang Kapuso comedian na si Boobay tungkol sa kalagayan niya matapos ma-stroke.

“Hello po, ito po nagte-take na lang po ako gamot po at therapy at rest po,” simula ng komedyante.

Dagdag pa niya, “Nxt year pa po ako makakabalik sa trabaho.

“Laki din pasalamat ko at pinagbigyan pa ako ni Lord.”


Marami ring showbiz friends ni Boobay ang nangumusta sa kanya via comments section ng kanyang mga Instagram post.

Kabilang sa kanila sina Eugene Domingo, Suzi Abrera, Cesar Apolinario, Mosang, Ina Feleo, at si Marian Rivera na napabalitang tumulong kay Boobay sa kanyang pagpapaospital.






Sabi pa nga ni Boobay kay Ina na pinagbigyan pa siya muli ni Lord.


Na-stroke si Boobay, Norman Balbuena sa totoong buhay, at isinugod sa intensive care unit ng isang ospital noong November 27, 2016.

Habang nasa ospital si Boobay ay masigasig naman ang partner niyang si Kent Juan Resquir sa pagbibigay ng update sa kalagayan ng komedyante.

Read: Kapuso comedian Boobay rushed to ICU following stroke

Samantala, ngayong Kapaskuhan at New Year, sunud-sunod ang posts ni Boobay ng kanyang pamamasyal sa Ilocos Norte bilang bakasyon at upang makalanghap ng sariwang hangin.

psssst @kentjuanresquir!!! happy 50th monthsary ???????????? hihi salamat sa lahat baby... i love you...??????

A photo posted by norman balbuena (@boobay7) on

A photo posted by norman balbuena (@boobay7) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN