My Love From The Star's Gil Cuerva hits back at critics: "Go ahead and try to make me look bad."

IMAGE Instagram photo of Gil Cuerva

Gil Cuerva owns up to his past mistakes. He says, "I regret some of them. But I've moved on, focused on becoming a better person and learned from them. Sana kayo rin."


Hindi pa man pormal na nakapag-uumpisa sa showbiz, inuulan na ng mga negatibong komento sa social media ang baguhang aktor na si Gil Cuerva.

Si Gil ang napiling gumanap bilang Matteo Do sa local adaptation ng hit Koreanovela na My Love From The Star, na pagbibidahan din ni Jennylyn Mercado.

Sa kanyang Twitter account kahapon, January 3, nagkomento si Gil sa screenshots ng mga dati niyang Twitter posts, na ni-repost ng isang @Whatdahel_Marcel, na base sa kanyang profile ay contributing editor sa Philstar Supreme.

Ang screenshots ni @Whatdahel_Marcel ay tila kaugnay sa Twitter post ni Gil noong January 2 tungkol sa paggamit ng social media para makapang-bash ng ibang tao.

Sabi ni Gil sa kanyang komento: “Oo na nagkamali ako. Pero sorry, nagmove on na ako & I've tried to become a better person from it. Ikaw stuck pa rin sa sinabi ko months ago.”

Bukod dito, sinabi rin ni Gil sa kanyang naunang Twitter posts: “This cyber-bullying mentality needs to stop. Bakit, porket tama kayo sa isang argument may right ka na manghumiliate ng tao sa social media?”

MISTAKES IN THE PAST.” Samantala, sa kanyang Twitter posts kahapon, inamin ng model-turned-actor na marami siyang pagkakamali noon at pinagsisisihan na niya ang mga ito ngayon.

“Go ahead & try to make me look bad dahil sa mga mali kong ginawa sa past. But I've learned from them and what you say about doesnt define me.

“I've made mistakes, and I regret some of them. But I've moved on, focused on becoming a better person and learned from them. Sana kayo rin.”

Narito ang iba pang Twitter posts ni Gil tungkol dito:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN