John Lloyd Cruz appeals for a united effort to push Filipino films in world cinema

IMAGE Noel Orsal

John Lloyd Cruz: "Ang isang Pinoy pag gumawa ng isang bagay, global na yung reach, global na yung pinag-uusapan. Huwag nating i-disregard yung global appeal ng Pinoy cinema."


Sa hindi mga nakakaalam, isa si John Lloyd Cruz sa mga naging hurado sa nakaraang Gabi ng Parangal ng MMFF 2016.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktor kung ano ang saloobin niya sa malaking pagbabagong naganap sa MMFF 2016.

Masasabing nagsimula ang mga pagbabagong ito sa kontrobersiya noong MMFF 2015 nang nadiskwalipika sa Best Picture category ang Honor Thy Father na pinagbidahan ni John Lloyd.

Ayon sa Kapamilya actor, “I hope the people will embrace the enlightenment that the situation is offering.

“Hindi po ito ipaglalaban kung walang dahilan, hindi naman ito mangyayari kung walang dahilan.

“Sana, ang inaasahan lang natin for the audience, for all the people, especially the moviegoers sa panahon ng Pasko, na magkaroon po ng open mind.

“Dahil, when we talk about Philippine cinema, hindi lang natin pinag-uusapan yung about po dito sa kalakhang Pilipinas.

“We are talking about world stage, we are talking about world cinema.

“I think itong mga nangyayari ngayon, ito ay mga hakbang patungo dun sa ikabubuti, ikagaganda sa representation natin sa international stage.”

Dagdag pa ni John Lloyd, “Sa panahon ngayon, ang isang Pinoy pag gumawa ng isang bagay, global na yung reach, global na yung pinag-uusapan.

“Huwag nating i-disregard yung global appeal ng Pinoy cinema.

“Sana lahat tayo, hindi lang yung filmmakers, hindi lang kami, but also the moviegoers.

“Kasi napakaimportante ng role ninyo sa Philippine cinema.

“Sana, kung ano ang transition na pinagdadaanan natin, sana suportahan ninyo rin kami, because hindi ito para sa amin.

“Yung ipinaglaban namin noon at hanggang ngayon na ipinaglalaban namin, hindi ito para sa amin or sa benefit lang namin.”

Patuloy ng premyadong aktor, “We’re talking about cinema, it’s a very integral part of our culture.

“Napakaimportante ng sinasabi ng cinema, so sana huwag tayong magsarado ng isip.

“I know there’s a big battle between independent and commercial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it’s high time na tigilan na natin ang paghihiwalay ng bawat isa.

“I think cinema should be united. Dapat ang cinema magkaisa.”


Stories We Are Tracking

Erik Matti wants new MMFF rules to stay for next 3 years
Erik Matti wants new MMFF rules to stay for next 3 years
Mother Lily claims MMFF promised 4 indie, 4 mainstream films
Mother Lily claims MMFF promised 4 indie, 4 mainstream films
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 touted to be
MMFF 2016 touted to be "renaissance in Philippine cinema"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN