Ellen Adarna tells basher to stay away from her IG account to avoid stress

IMAGE Noel Orsal

Idinadaan ni Ellen Adarna sa pagbibiro at pagpapatawa ang sagot sa bashers na naiinis sa kanyang posts sa Instagram.


Sanay na si Ellen Adarna sa bashers.

Sa halip na patulan ang mga nakakainis na mga komento ng ilang followers niya sa social media, idinadaan na lamang niya ito sa pabirong sagot.

Katulad na lamang sa video post niya sa Instagram account ngayong araw, January 4, kung saan naka-two-piece bikini ang Langit at Lupa star.

Back to reality. #howtolosefatsin10days #daydreaming is over #throwbackbody #motivation

A video posted by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

May isang follower na nagsabing wala na raw katiting na hiya ang aktres.

Hubad daw kasi ito nang hubad sa kanyang posts at hindi raw mapagsabihan ng mga magulang.

Ayon kay @noorhakkiayob: “Ayaw na ayw ko sa babaeng ito parang wala ng hiya ni katiting sa katawan hubad dito hubad dun my god nasaan ang nanay mo at tatay mo pagsabihan ka man lng.”


Ngunit sa halip na buweltahan, ang ginawa ni Ellen ay pinalayas na lamang ito sa kanyang account, para raw hindi na ito ma-stress sa kanyang posts.

Aniya, “@noorhakkiayob eh di wag ka magtambay dito. Kalurks na stress kapa hahahaha.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN