Bianca Gonzalez speaks up against bashing because of skin color

IMAGE Instagram (@iamsuperbianca)

Bianca Gonzalez on having a dark complexion: "Kapintasan pa ba yung pagiging maitim?"


Naikuwento muli ni Bianca Gonzalez ang tungkol sa diskriminasyong naranasan noong kabataan niya dahil sa kanyang kayumangging kulay.

Naging guest ang Pinoy Big Brother host sa episode ng ABS-CBN morning programa na Magandang Buhay ngayong Huwebes, January 5.

Dito ay inusisa siya tungkol sa pamba-bash sa kanya online dahil sa kulay ng balat niya.

Maging ang anak ni Bianca na si Lucia ay idinamay pa ng ilang netizens sa pangba-bash.

April 2016 nang mag-post sa Instagram ang TV host upang magbigay ng mensahe sa mga tumutukso sa kanyang kulay, kalakip ang larawan niya noong 10 anyos pa lang siya.

Read: Bianca Gonzalez unfazed by bullies calling her 'negra'

Pahayag ni Bianca sa Magandang Buhay kanina, “Nahalungkat ang picture nung may nag-bash sa akin sa pagiging maitim.

“So, alala ko, hinanap ko ‘to para sabihin na nung bata ako, medyo bothered akong inaasar akong ‘Negra! Negra! Baluga!’ ganyan.

“Pero dahil nga mahal na mahal naman ako ng family ko, may friends ako, okay naman ako sa school, na-realize ko na wala naman yun sa kulay ng balat.

“Kahit na ang itim-itim ko, kung mabuti naman akong anak, may mga friends naman ako, okay naman ang grades ko, may extracurriculars ako, ganun.”

Sinabi naman ng isa sa mga host ng programa na si Melai Cantiveros na hindi talaga dapat pinapansin ang bashers dahil nagpapapansin lang ang mga ito.

Tugon ni Bianca, “Yung mga bashers talaga minsan di mo papansinin, pero may mga araw talaga na gigising ka na nasa mood kang sumagot.

“So, yun ang naging sagot ko,” aniya tungkol sa pamba-bash sa kanyang kulay.

May mga sumang-ayon man kay Bianca, sinabi nitong nalulungkot siya dahil patuloy pa rin ang diskriminasyon ngayon sa mga bata dahil sa kanilang maitim na kulay.

“Actually, medyo nakakalungkot na marami pa palang bata ngayon na inaasar pa rin ng ‘Negra, negra! Baluga!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang ngayon, 2017 na, sa dami ng mga tinitingala na morena naman, kapintasan pa ba yung pagiging maitim?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN