Alden Richards and Maine Mendoza not closing doors on real romance

IMAGE Eat Bulaga! Facebook

Alden Richards on Maine Mendoza: "Kung ano na kami ni Maine—'yong relationship every day, every moment na magkasama kami, nadadagdagan naman siya."


Sa kabila ng pag-uugnay kina Alden Richards at Maine Mendoza sa iba, umaasa ang AlDub Nation na sa huli ay ang kanilang mga idolo pa rin ang magkatuluyan.

Sa January 2017 issue ng YES! magazine ay nagsalita si Alden tungkol sa relasyon nila ngayon ni Maine.

Pahayag ng Pambansang Bae, "Sa relationship naman namin ni Maine, wala naman kaming pagpapanggap.

"Never naman kaming nagpanggap pag kaming dalawa.

"Ngayon, wala na, wala nang inhibitions.

"Parang 'Eto ako, e. I accept you as who you are. And eto rin ako.'"

Sa tanong kung ang relasyon nila ngayon ay posibleng ma-develop sa real romance, ito ang sagot ni Alden: "Diyos ko, wala namang imposible!

"Basta she's not closing her doors, I'm not closing mine.

"So, kung sa'n man po papunta 'yong relationship naming dalawa, parehas po naming inaabangan."

Dagdag pa niya, "Kung ano na kami ni Maine—'yong relationship every day, every moment na magkasama kami, nadadagdagan naman siya."

Ang kabuuang pahayag ni Alden tungkol sa kanila ni Maine at iba pang bagay tungkol sa buhay ng Pambansang Bae ay mababasa sa January 2017 issue ng YES!.

Samantala, nagsimula na ring mag-taping sina Alden at Maine para sa kanilang kauna-unahang teleserye na magkasama, ang Destined To Be Yours, na inaasahang maipalalabas sa GMA Network ngayong first quarter ng 2017.


Stories We Are Tracking

Can Alden give
Can Alden give "genuine happiness" to Maine?
Alden Richards denies having a
Alden Richards denies having a "mystery girlfriend"
Is Maine alluding to rumors linking her to Vico, Sef?
Is Maine alluding to rumors linking her to Vico, Sef?
Alden admits occasional misunderstandings with Maine
Alden admits occasional misunderstandings with Maine


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN