Enrique Gil says "I love you" to Liza Soberano on her birthday

IMAGE Noel Orsal

"I love you and happy birthday," says Enrique Gil to Liza Soberano, who turned 19 on January 4.


Huli man daw at magaling, naihahabol din.

Saktung-sakto ang kasabihang ito para sa birthday message ni Enrique Gil sa loveteam partner niyang si Liza Soberano.

Nagdiwang si Liza ng kanyang 19th birthday kahapon, January 4.

Halos patapos na ang January 4 nang mag-post si Enrique sa kanyang Instagram account ng larawan ni Liza.

Sa caption, sabi ng Kapamilya actor: “Before this japanese cutie ends her bday i want to be the last to say happy birthday to my... another year has gone by and god you are shining brighter each day stay the same and stay kind at... as u always are i love you and happy birthday. Rock this year.”

Hindi man nila tuwirang sinasabi ang estado ng kanilang relasyon, kinilig pa rin ang maraming fans ng kanilang love team, na kung tawagin ay LizQuen, dahil sa katagang “I love you” na sinabi ni Enrique kay Liza.

Noong nakaraang buwan ay nag-post naman si Enrique ng larawan nila ni Liza na magka-holding hands, at caption niya dito: “My other half.”

My other half ??????

A photo posted by Enrique Gil (@enriquegil17) on

Sa dating panayam ng dalawa sa Tonight With Boy Abunda, sinabi ni Enrique na kahit hindi pa sila ni Liza: “We treat each other like boyfriend and girlfriend.”

Madalas din namang sinasabi ni Liza sa mga panayam na si Enrique ay “the man of my dreams.”


Stories We Are Tracking

Enrique Gil calls Liza Soberano
Enrique Gil calls Liza Soberano "my other half"
Why Liza Soberano cried when she opened Enrique Gil's gift
Why Liza Soberano cried when she opened Enrique Gil's gift


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN