Supreme Court suspends lawyer for insulting Dr. Vicki Belo on Facebook

IMAGE Noel Orsal

Ayon sa desisyon ng Supreme Court, hindi katanggap-tanggap ang argumento ni Atty. Argee Guevarra na ang kanyang mga pang-iinsulto kay Dr. Vicki Belo noong 2009 ay bahagi lamang ng kanyang freedom of expression.


Suspendido ng isang taon bilang abugado si Attorney Roberto ‘Argee’ Guevarra dahil sa mga mapangutya nitong posts laban kay Dr. Vicki Belo sa Facebook.

Sa 13-pahinang desisyong inilabas ng Supreme Court noong December 1, 2016, sinabi ng First Division ng SC na “guilty of violation of Code of Professional Responsibility” si Atty. Guevarra dahil sa kanyang pang-iinsulto kay Dr. Belo noong 2009.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, binalaan din ng hukuman ang abugado, na kung uulitin pa niya ang mga ganung klaseng pag-atake sa kanyang FB account, ay maaari siyang mapatawan ng karagdagang parusa.

Noong 2009 ay binanatan ni Guevarra si Belo kaugnay ng reklamo ng kanyang kliyenteng si Josefina Norcio.

Nagsampa si Norcio ng reklamo laban sa doktora dahil daw sa "botched surgical procedure" sa kanyang balakang noong 2002 at 2005.

Bahagi ng Facebook posts ni Atty. Guevarra ang mga ganitong salita: “[Belo] will go down in Medical History as a QUACK DOCTOR!!! QUACK QUACK QUACK QUACK."

Tinawag niya si Belo na "Reyna ng Kaplastikan," "Reyna ng Payola," at "Reyna ng Kapalpakan."

May iba pang posts si Atty. Guevarra na lalong nagpalala sa sitwasyon, katulad na lamang ng “out to get Puwetic Justice here!”

Ipa-paralyze din daw nito ang operasyon ng Belo Clinics sa pamamagitan ng pag-engganyo sa mga kliyente at staff nitong iboykot ang kumpanya.

Sinabi ng abugado, "[With] all the kababuyan of the Belo clinic, its money-making machines, dapat convert them into public health clinics!!! instead of pandering to the vanities of those who want to look like Dra. Belo."

Pag-aakusa pa noon ng abugado, nagsagawa raw ng plastic surgery ang klinika “without licensed and trained doctors, they nearly killed a client of mine, medical malpractice, use of banned substances/fillers on patients.”

Dahil dito, sinampahan siya ng demanda ni Belo sa Korte Suprema.

SUPREME COURT DECISION. Ayon sa desisyon ng SC, ang mga Facebook post ni Atty. Guevarra ay malisyoso na at maaaring ikasira ng kumpanya ni Dr. Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“By posting the subject remarks on Facebook directed at complainant and BMGI, respondent [Guevarra] disregarded the fact that, as a lawyer, he is bound to observe proper decorum at all times, be it in his public or private life.

“Instead, he acted inappropriately and rudely; he used words unbecoming of an officer of the law, and conducted himself in an aggressive way by hurling insults and maligning complainant’s and BMGI’s reputation.”

Sa kanyang depensa, sinabi ng abugado na nilabag ni Dr. Belo ang kanyang privacy dahil in-access nito ang private remarks at private account ng abugado sa Facebook.

Ngunit ayon sa Supreme Court, nabigong magpakita si Atty. Guevarrab ng ebidensiyang nagpapatunay na naka-private ang kanyang post o ang kanyang mismong account.

Hindi rin tinanggap ng SC ang argumento ng abugado na ang kanyang mga sinabi ay bahagi ng freedom of expression.

DR. BELO'S REACTION. Nagpasalamat naman si Dr. Belo sa Supreme Court at sa Integrated Bar of the Philippines dahil nabigyan ng hustisya ang kasong isinampa niya.

Pahayag ng celebrity cosmetic surgeon, "I am very grateful to the Supreme Court and the Integrated Bar of the Philippines because justice has been served in this case.

"This to me is a landmark decision which I hope will be cited in the future in other similar cases of cyber character assassination and cyber bullying.

"Let us not destroy platforms like Facebook by using it to malign and slander people."

MOTION FOR RECONSIDERATION. Sa pamamagitan ng text messaging ngayong araw, January 6, hiningi ng PEP kay Atty. Guevarra ang kanyang reaksiyon.

Tugon niya: “I will file a motion for reconsideration of the order of suspension.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN