Kakai Bautista hits back at "unfair" bashers

IMAGE Instagram (@ilovekaye)

Kakai Bautista hopes there will be a law that will take away the social media accounts of bashers. 


Sunud-sunod ang rants ng comedienne na si Kakai Bautista tungkol sa "unfair" na bashers.

Sana raw ay magkaroon ng batas laban sa mga netizen na ito kapag napatunayang guilty.

Pinasaringan din ni Kakai ang mga basher na malakas lang daw ang loob dahil nagkukubli sa social media:

"I WANT TO STAY TRUE in a world FULL of pretention. I CHOOSE TO and I WILL CONTINUE TO BE as much as I CAN.”

Hindi naman tinukoy ng comedienne-singer kung ano ang pinagmulan ng kanyang hinaing, subalit malinaw na may kinalaman ito sa pambabatikos sa kanya sa social media.

Nagsimula ang rant ni Kakai nang mag-tweet siya na hindi makalaban o makasagot kahit na paulit-ulit na bina-bash dahil sa takot na masira ang inaalagaang image.

Kapag naman daw pinatulan at napikon ang basher, aakusahan siya ng masasamang bagay at huhusgahan ang kanyang pagkatao, kahit hindi siya kilala ng mga ito.

Sumunod pang hamon ni Kakai sa mga basher: “Sana magkita-kita tayo, mas maganda masabi niyong lahat yan sa harap ko. Kase ako TOTOO. Dito lang kayo matapang.”

Hiling pa ni Kakai, magkaroon ng batas na matanggal ang account ng mga napatunayang basher.

May netizen na sumagot kay Kakai at sinabing ang hindi pagpatol sa bashers ay pagpapakita rin ng maturity.

Sagot naman ni Kakai rito: “Let’s switch places for one day. It’s hard, very very hard. TAO LANG.”

Humingi rin ng paumanhin si Kakai kung nag-rant siya, subalit aniya, nakakapagod din kasi minsan kapag laging bina-bash.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN