Phoebe Walker shrugs off missing letters in her MMFF Best Supporting Actress trophy

IMAGE Glenn Regondola

Hindi pa man nakakauwi si Phoebe Walker mula sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2016 ay natanggal na ang ilang mga letra sa kanyang tropeyo bilang Best Supporting Actress. Ngunit sinabihan naman daw sila na hindi pa raw iyon ang totoong tropeyo at bibigyan sila ng iba.


Kontrobersiyal ang mga trophy na ibinigay sa mga winner sa Gabi ng Parangal ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF), noong December 29, dahil bukod sa kakaibang hugis na umani ng mga batikos ay natatanggal din ang mga letter sticker nito.

Hindi exempted ang trophy na natanggap ni Phoebe Walker, bilang Best Supporting Actress para sa kanyang pagganap sa Seklusyon, dahil naalis kaagad ang letter T sa “Best” word sa mismong awards night.

Tuluyang bumigay ang mga letter sticker dahil, ayon sa manager ni Phoebe na si Wilhelm Precioso, wala na ang “Best” word at ang mga letter T sa Supporting Actress na nakadikit sa trophy ni Phoebe.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Phoebe kahapon, January 9, napangiti ang promising sexy actress ng Viva Artists Agency nang mapag-usapan ang acting trophy na ipinagkaloob sa kanya.

Sabi niya, “At the end of the night, siyempre nakiki-picture yung mga tao, and then, medyo nahawak-hawakan yung trophy...”

Ito raw ang dahilan kaya natanggal ang mga letra sa kanyang tropeyo.

“Pero okey lang, kaya naman siyang ayusin.

“But I was told na that was not the real thing.

“Meron daw talaga silang ibibigay. That’s just a mock…

“Hindi naman ibabalik [yung trophy]. Bibigyan lang ako ng bago with the proper one na with my name.

“So, happy na ako. Puwede ko nang i-display sa bahay,” nakangiting kuwento ni Phoebe tungkol sa sawimpalad na trophy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN