Preggy Rufa Mae Quinto rushed to the hospital; now out of danger

IMAGE Instagram (@rufamaequinto)

Rufa Mae Quinto, who is now eight months pregnant to her first child with husband Trevor Magallanes, was recently hospitalized but is now out of danger.


Isinugod sa ospital si Rufa Mae Quinto nitong Lunes, January 9.

Nasa ikawalong buwan na ng kanyang pagbubuntis ang aktres sa unang anak nila ng asawang si Trevor Magallanes.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Rufa Mae ang pagkaka-ospital niya ngunit hindi siya nagdetalye kung ano ang nangyari.

Malaki naman ang pasasalamat ni Rufa Mae sa kanyang asawa dahil inalagaan siya at tiniyak na ligtas silang mag-ina.

“Thank you my, loving husband @trevvvsilog for being with us in the hospital, you are the greatest dad. I'll tell our daughter that when she gets older. I love you. we can both get some fully nice resting, sleeping, knowing that our daughter and I are safe and sound.

“Nasugod Kami ng anak ko last night sa hospital, kwento ko more details soon, nakaya namin lahat.

“Sarap ng may minamahal, may nagmamahal, lahat kaya mo.

“Laban, anak, mahal ka namin at madaming abangers sa ‘yo, so wait 1 more month, we will see you and the world,” post ng aktres.

Sa comments section, isang netizen ang nagtanong sa aktres kung ano ang nangyari.

Sinagot ito ni Rufa Mae at sinabing nag-work out daw kasi siya.



Sa sumunod na post ng aktres, sinabi niyang napagtanto niya kung bakit risky ang pagbubuntis.

“Ganito pala maging ina, kailangan sobrang tibayan at sobrang lakas ng loob mo para mairaos mo ang anak mo sa kung ano ang test.

“Totoo ang kasabihan na you are risking your life pag preggy, natakot ako ninerbyos, pero bandang huli... I told myself, I have to be strong for my daughter.”

Nagpahayag muli ng pasasalamat si Rufa Mae sa kanyang asawa upang mabilis siyang maka-recover.

“Sa tulong ng asawa ko, naging mas madali kanina naka-recover kami agad ng anak ko.

“Salamat daddy @trevvvsilog for being with us the whole time.

“Our daughter will be very proud of you!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The best gift that dad could ever give to her child is to be there, give support 100 %.

“Sensya na sa eksena kagabi. Hay salamat, mister ko. Ikaw na ang pinaka gwapong lalake para sa amin. Tagapagbantay ko.”

Tiniyak din ni Rufa Mae na maayos na ang kalagayan niya ngayon.

“Konting Ubos nalang ng swero, konting bed rest, 1 month na lang bago tayo pasabog ng grasya.

“Stay there, inside mama, hold on, hold tight ... We love you! Grow some more, kakain pa tayo madami na yummy #everythingisoknow.”

Ganito Pala maging Ina, kailangan sobrang Tibayan at sobrang lakas ng loob mo para mairaos mo ang anak mo sa Kung ano ang test, Totoo ang kasabihan na you are risking your life pag preggy , natakot ako ninerbyos Pero bandang Huli... I told myself, I have to be strong for my daughter @alexandriamagallanes ... sa tulong ng asawa ko, naging mas madali kanina naka recover kami agad ng anak ko. Salamat daddy @trevvvsilog for being with us the whole time. Our daughter will be very proud of you! The best gift that dad could ever give to her child is to be there, give support ????+ % . Sensya na sa eksena kagabi .. hay salamat mister ko????‍????‍????. Ikaw na ang pinaka gwapong lalake para sa Amin .. taga pag bantay ko ???????? sensya na sa selfie ko , may pinag daanan lang Pero nakaraos na din.. konting Ubos nalang ng swero, konting bed rest, 1 month nalang bago tayo pasabog ng grasya.stay there , inside mama, Hold on , hold tight ... we love you! Grow some more , kakain pa tayo madami na yummy #everythingisoknow

A photo posted by Rufa mae Quinto (@rufamaequinto) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN