Rey Valera draws flak for "body shaming" Tawag ng Tanghalan contestant

IMAGE Screengrab from It's Showtime

Rey Valera to "Tawag Ng Tanghalan" contestant Christelle Tiquis: "Ang advice ko sa 'yo, huwag ka magpapataba, iha. Alam mo kung bakit? Tanungin mo ako kung bakit. Kasi kapag ganyan ka kataba, at ganyan ka kalaki, at hinahalikan ka ng dyowa mo, nagkakawanggawa lang yun."


Inalmahan ng ilang netizens ang diumano'y “body-shaming” comment ni Rey Valera sa "Tawag Ng Tanghalan" contestant na si Christelle Tiquis.

Si Rey ang punong-hurado ng "Tawag Ng Tanghalan" segment ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Base sa January 10 episode ng It's Showtime, pinuri ni Rey si Christelle sa galing nito sa pagkanta ng “All My Life.”

Bungad ng beteranong singer-composer, “Kahit ako napapaganun [sway] dun sa tinatamaan mong mga broken chords na mahirap.

“Kapag sa jazz, medyo nakakalito 'yan, e. Pero natatamaan mo pa rin.”

Pagkatapos purihin ni Rey ang talento ni Christelle, pinuna ng beteranong singer ang pangagatawan ng contestant.

Kaugnay ito ng kuwento ni Christelle na masaya ang kanyang buhay-pag-ibig, lalo pa't isang taon na raw ang relasyon nito at ng nobyong nagngangalang Jolo.

Si Christelle ay dating contestant ng The Voice of The Philippines Season 2, sa ilalim ni Coach Lea Salonga.

Patuloy ni Rey, “Wala akong masabi sa 'yong advice...

"Walang kinalaman sa pagkanta, iha, kundi sa relasyon mo lang.

“Nakita ko yung picture mo nung araw, sexy ka...

“Ang advice ko sa 'yo, huwag ka magpapataba, iha.

"Alam mo kung bakit? Tanungin mo ako kung bakit.

“Kasi kapag ganyan ka kataba, at ganyan ka kalaki, at hinahalikan ka ng dyowa mo, nagkakawanggawa lang yun.

"Okay? Good luck."

Ngiti lamang ang tugon ni Christelle sa tinurang biro ni Rey.

VICE GANDA, ANNE CURTIS DEFEND CONTESTANT. Ngunit agad namang kinontra ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis ang “advice” na ibinigay ni Rey sa contestant.

Sabi ni Vice, “Oy, hindi. There's nothing wrong with being fat for as long as you're still healthy.”

Dagdag ni Anne, “Tsaka love chooses no form.”

Hirit ulit ni Vice, “Mataba, may boyfriend, masaya. Yung iba, ang ganda ng katawan, pero nag-iisa.

“Pero eto, masaya. Aarte ka pa ba diyan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, dyusko, kapag hinahalikan ka ng boyfriend mo, masaya siya.

“Kasi mataba ka, ang dami niyang puwede halikan.

"Nakakapagod lang, pero ang mahalaga masaya kayo sa isa't isa.

“Mainggit sila sa 'yo.”

NETIZENS SLAM REY'S JOKE.  Pabiro man ang paraan ni Rey ng pagbibigay ng “advice,” hindi nagustuhan ng netizens ang umano'y pamamahiya ng beteranong singer kay Christelle.

Narito ang ilang comments ng Twitter users na nagsasabing "below-the-belt, offensive, bullying" ang binitiwang mga salita ni Rey sa contestant:

At press time, walang anumang Twitter post si Christelle tungkol sa insidente.

Bagamat natalo siya sa contest ay nagpasalamat siya sa pagkakataong makakanta sa entablado.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais ipahayag nina Rey at Christelle tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN