Angelu de Leon prays for full recovery from Bell's palsy

IMAGE Noel Orsal

Nagpasalamat ni Angelu de Leon sa lahat ng mga nagdadasal para sa kanya upang gumaling siya sa karamdamang Bell's palsy. Gayunpaman, positibo pa rin ang aktres na sa awa ng Diyos ay tuluyan siyang gagaling. 


Patuloy pa rin ang gamutan sa sakit na Bell’s palsy ng aktres na si Angelu de leon.

Kahapon, January 10, ipinakita ni Angelu sa kanyang followers sa Instagram ang kaliwang pisngi niyang sumailalim sa acupuncture.

Saad niya, “Bruised cheeks c/o my Korean acupuncturist Dr. Marie Lee. But all good because she had to pop the blood clot inside that was blocking the blood from flowing to my upper lip.

“It's my left eye and upper lip na lang that shows the bells palsy.

“Thank you for all the prayers. I know God is not yet done. I am still claiming and declaring COMPLETE healing and a ????% restoration of my facial nerves in JESUS' name.”

November 8, 2016, naospital din si Angelu dahil sa pamamaga naman ng kanyang pisngi dahil Bell's palsy.

Ayon sa medicalnewstoday, ang Bell's palsy ay "the paralysis or severe weakness of the nerve that controls the facial muscles on the side of the face - the facial nerve or seventh cranial nerve."

Read: Angelu de Leon suffers another Bell's palsy attack


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN