Michelle Van Eimeren posts touching send-off letter for daughter Leila on IG

IMAGE Instagram (@michellevaneimeren)

Michelle van Eimeren posts a lenghty message on Instagram for daughter Leila Alcasid, who will live with her dad Ogie Alcasid in the Philippines. 


Isang madamdaming mensahe ang ipinost ni Michelle Van Eimeren sa Instagram para sa kanyang anak na si Leila Alcasid.

Si Leila ay kasalukuyang nasa biyahe papuntang Pilipinas, kung saan siya maninirahan sa loob ng isang taon.

Si Leila ang panganay sa dalawang anak na babae ni Michelle sa ex-husband nitong si Ogie Alcasid.

Matagal nang naka-base sa Australia si Michelle kasama ang bago nitong asawa at ang isa pa nilang anak ni Ogie na si Sarah.

Ngayong Miyerkules, January 11, nag-post si Michelle sa Instagram ng words of encouragement para kay Leila.

Sabi ng Australian beauty queen, “My beautiful baby girl, today is the start of another big adventure for you.

“Breathe in each moment, live with intention and have gratitude for even the smallest details.

“I know you are nervous, believe in yourself, I do. I have confidence in the young woman I've watched you become, as your mum, I could not be prouder.

“Enjoy this year of self-discovery, reconnecting with your roots and most importantly family.

“I'm excited to hear all your stories, celebrate your achievements and of course always be here if you need me, if anything doesn't go as planned.

"I love you my darling, I will miss you! #daughter #lifesbigadventure #liveinthemoment #soproudofyou #loveyousomuch”

Titira si Leila sa bahay ng kanyang ama, kasama ang stepmother niyang si Regine Velasquez at half-brother na si Nate.

Nag-post din si Leila sa Instagram ng kanyang departure mula sa airport ng Australia patungong Pilipinas ngayong hapon, January 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN