Robin Padilla's civil case against GMA Network junked by court

IMAGE Noel Orsal

Kulang daw sa ebidensiya ang reklamong inihain ni Robin Padilla laban sa GMA Network, dalawang executives, at isang reporter kaya naman ibinasura ito ng Manila Metropolitan Trial Court. 


Ibinasura ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 5 ang civil case na inihain ni Robin Padilla laban sa GMA Network, dalawang executives, at isang reporter.

Ito ay sa kadahilanang kulang daw sa ebidensiya ang reklamong inihain ng aktor noong 2016 laban sa istasyon, kay GMA president at Chief Operating Officer Gilbert Duavit Jr., GMA News Online editor-in-chief Jaemark Tordecilla, at GMA News reporter Emil Sumangil.

Ang reklamo ni Robin ay bunsod ng pagkabanggit ni Sumangil sa isang report na dating tahanan daw ng aktor ang isang bahay sa Pampanga, kung saan nakasabat ang mga awtodridad ng liquid shabu na nagkakahalaga ng P1.125 bilyon.

Read: Robin Padilla tagged as alleged previous owner of house in Pampanga drug bust

Lumabas ang desisyon noong December 7, 2016, na pirmado ni Judge Ihmie Michiko Gacad-Presto.

Base sa reklamo ni Robin, nabahiran daw ang reputasyon niya bilang isang public figure sa pagkakabanggit ng pangalan niya sa ulat ni Sumangil.

Ngunit ayon sa desisyon ng korte, walang malisya at hindi "defamatory" ang ulat.

Wala pang reaksiyon si Robin sa desisyong ito ng korte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN