Ex-Sen. Bong Revilla's plunder trial begins today

by Rachelle Siazon
Jan 12, 2017
Nakunan ang pagdating ni ex-Senator Bong Revilla sa Sandiganbayan para sa paglilitis ng kasong plunder na kinahaharap niya. Kaugnay ito ng diumano'y pakikipagtransakisyon ng senador sa itinuturong pork-barrel-scam mastermind na si Janet Lim Napoles.  

Sinimulan na ng Sandiganbayan ang paglilitis sa kasong plunder na kinahaharap ni dating Senator Ramon 'Bong' RevillaJr. ngayong araw, January 12.

Humarap sa anti-graft court si Revilla, kasama ang kanyang misis na si Bacoor Mayor Lani Mercado at legal counsel ng senador na si Atty. Estelito Mendoza.

Base ito sa live tweets ni GMA News reporter Xianne Arcangel:

Narito ang kuha ng dzBB kay Revilla nang dumating ito sa Sandiganbayan:

Nabanggit din na nakatakdang iharap ng prosekusyon ang mahigit 100 testigo laban sa dating senador.

Si Revilla ay nakaditena sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, mula noong June 20, 2014.

Ito ay matapos lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na mayroong sapat na ebidensiyang makapagpapatunay na nagkamal diumano ng P224,512,500 ang actor-politician mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Kaugnay ito ng diumano’y pakikipagtransaksiyon ng senador sa pork barrel mastermind na si Janet Lim Napoles.

Continue reading below ↓

Si Napoles ang negosyanteng sinasabing nagtayo ng pekeng non-government organizations (NGOs) na pinaglaanan ng P10-billion pondo mula sa pork barrel ng mga sangkot na mambabatas.

Read Next
Read More Stories About
Senator Bong Revilla, PDAF
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakunan ang pagdating ni ex-Senator Bong Revilla sa Sandiganbayan para sa paglilitis ng kasong plunder na kinahaharap niya. Kaugnay ito ng diumano'y pakikipagtransakisyon ng senador sa itinuturong pork-barrel-scam mastermind na si Janet Lim Napoles.  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results