Who is J-Mi in Jak Roberto's life?

IMAGE Jak Roberto Instagram / Noel Orsal

Sino si J-Mi sa buhay ng Kapuso hunk na si Jak Roberto at bakit ito pinagseselosan ng kanyang followers sa social media. Alamin sa panayam na ito ng PEP kay Jak.


Sino si J-Mi at ano ang relasyon nito sa Kapuso hunk na si Jak Roberto?

Bakit maraming netizens at followers ni Jak sa social media ang nagseselos kay J-Mi?

Pero wala namang dapat talagang ipagselos ang mga tagahanga ng tinaguriang "Pambansang Abs" dahil si J-Mi ay ang alagang aso ni Jak.

Isa itong Jack Russell Pug at napapanood na rin sa Kapuso primetime series na Meant To Be bilang pet ng character ni Jak na si Andoy.

Jmi as Boni sa "MEANT TO BE" bukas na!!! #meanttobe

A photo posted by Jak Roberto (@jakroberto) on

Maraming photos na pinu-post sa Instagram si Jak kasama si J-Mi, at nakakakuha ito ng maraming likes at comments dahil dito.

Pero may ibang pinagseselosan si J-Mi dahil parati itong katabing matulog ni Jak.

May mga komento rin siyang natatanggap na sana ay sila na lang ang aso ni Jak para nadidilaan daw nila ang abs nito kapag tulog na ang Kapuso hunk.

May iba namang nagku-comment na sana ay aso rin sila para nahihigaan nila ang matitigas na abs ni Jak.

Clingy puppies ????????

A photo posted by Jak Roberto (@jakroberto) on

Natatawa na lang si Jak sa comments ng ibang followers niya, lalo na’t tungkol sa kanyang pet na si J-Mi.

Sabi nya, “Mahal ko ang alaga kong si J-Mi. Pati na ang pet ni Sanya [Lopez, his sister].

“Sila ang nagtatanggal ng pagod ko sa buong araw na trabaho.

“Hindi rin kasi ako makatulog kaagad kaya naglalaro pa kami.

“Nami-miss ko rin kasi si J-Mi, especially kapag may mga lakad or tapings ako na hindi ko siya puwedeng isama.

“Kaya yung playtime namin ni J-Mi ay pinu-post ko sa social media. Katuwaan lang!”

Nakikiusap si Jak na huwag magalit o magselos ang followers niya sa kanyang alagang aso dahil ito ang constant companion niya, lalo na’t wala raw siyang girlfriend ngayon.

Saad niya, “Huwag na silang magselos kay J-Mi kasi siya ang best friend at companion ko.

“Kung wala si J-Mi, malungkot ang buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya mahalin niyo si J-Mi tulad ng pagmamahal ninyo sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN