Ara Mina returns to Pinulot Ka Lang Sa Lupa after talk with Kapuso executive

IMAGE Noel Orsal

Pagkatapos ianunsiyo ang pagku-quit niya sa GMA drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa, nagdesisyon ang aktres na si Ara Mina na bumalik na rito matapos ang pag-uusap nila ng isang network executive.


Kumpirmado na ang pagbabalik ni Ara Mina sa upcoming GMA afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Sa eksklusibong pahayag na ipinadala ni Ara sa PEP. Ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, January 12, sinabi ng aktres na isang executive ng network ang kumausap sa kanya pagkatapos niyang mag-post sa Instagram noong Biyernes, January 6, ng kanyang hinaing at ang desisyon niyang mag-quit sa show.

Hindi raw kasi nagustuhan ng aktres ang trato sa kanya ng produksiyon ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Read: Ara Mina quits GMA's Pinulot Ka Lang Sa Lupa: "I cannot allow them to devalue me any further."

ARA'S STATEMENT. Sa ipinadalang pahayag ni Ara sa PEP, sinabi niyang naayos na ang anumang problema na mayroon siya sa programa.

Pahayag niya, "A lot of you may have seen my post on social media a few days ago about my decision to quit a project that I'm currently involved in.

"I would like to thank those who have shown their concern and support; sa mga nag-comment at nag-message sa akin.

“As I'm writing this, I would like to assure all of you that I am okay. Although, I admit, the past few days, hindi talaga."

Patuloy ni Ara, "One of the top heads of the network spoke with me and we had a long and elaborate talk.

"I told her in all honesty how I felt and how it brought me to my decision to quit.

"Hindi naman ako mababaw na tao at may rason ang lahat. Kaya sinabi ko na rin ang pinaggagalingan ng lahat ng emotions ko.

"During the conversation, I was assured of several things, which I will not mention anymore. I just asked for enough time to think it over."

Matapos daw siyang makapag-isip, napagdesisyunan ni Ara na ituloy ang nasimulang proyekto.

"Now, I want to let you know that I have decided to go on with the project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This decision is not very easy to make kasi nasabi ko na ang mga nasabi ko.

"But, I appreciate my boss for reaching out to me and understanding my sentiments.

"More than anything, I am always for peace.

"Everything's okay now, all misunderstandings have been ironed out. I will finish the show.

"Thank you to all my big bosses who made me feel that they value me as an artist at sa lahat ng nakaintindi. I thank God that He gave me peace."

Si Ara ang gaganap na ina ni LJ Reyes sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa, na pinagbibidahan din nina Julie Anne San Jose, Benjamin Alves, Martin del Rosario, at Jean Garcia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN